Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #124 Translated in Filipino

وَأُلْقِيَ السَّحَرَةُ سَاجِدِينَ
At ang mga manggagaway ay napahandusay na nangangayupapa (sa pagsamba)
قَالُوا آمَنَّا بِرَبِّ الْعَالَمِينَ
At sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
رَبِّ مُوسَىٰ وَهَارُونَ
Ang Panginoon ni Moises at Aaron.”
قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنْتُمْ بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ
Si Paraon ay nagsabi: “Kayo ba ay naniniwala sa kanya (Moises) bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot? Katiyakang ito ay isang pakana na inyong binalak sa lungsod upang itaboy ang mga tao rito, datapuwa’t inyong mapag-aalaman
لَأُقَطِّعَنَّ أَيْدِيَكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ مِنْ خِلَافٍ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمْ أَجْمَعِينَ
Katiyakang aking puputulin ang inyong mga kamay at mga paa sa magkabilang panig at kayong lahat ay aking ipapako sa krus.”

Choose other languages: