Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ankabut Ayahs #34 Translated in Filipino

قَالَ رَبِّ انْصُرْنِي عَلَى الْقَوْمِ الْمُفْسِدِينَ
Siya ay nanikluhod: “o aking Panginoon! Inyong tulungan ako at bigyan ng tagumpay laban sa mga tao na Mufsidun (ang mga gumagawa ng matinding kasamaan, kasalanan, krimen, mga mapang-api, buktot, tampalasan, atbp.)!”
وَلَمَّا جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا إِنَّا مُهْلِكُو أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ ۖ إِنَّ أَهْلَهَا كَانُوا ظَالِمِينَ
At nang ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay pumaroon kay Abraham na may magandang balita, sila (ang mga anghel) ay nagsabi: “Tunay ngang aming wawasakin ang pamayanan sa bayang ito (ni Lut, alalaong baga, ang bayan ng Sodom sa Palestina); sapagkat katotohanang ang kanyang mga tao ay naging Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, pagano, palasuway kay Allah, at nagpabulaan sa kanilang Tagapagbalita na si Lut).”
قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطًا ۚ قَالُوا نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَنْ فِيهَا ۖ لَنُنَجِّيَنَّهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ
At sinabi ni Abraham: “Subalit naroroon si Lut.” Sila (ang mga anghel) ay nagsabi: “Lubos naming batid kung sino ang naroroon, katotohanang aming ililigtas siya (Lut) at ang kanyang pamilya at tagasunod maliban sa kanyang asawa; siya ay kabilang sa mga nagpaiwan (alalaong baga, ang asawa ni Lut ay mawawasak na kasama ng mga wawasakin sa kanyang pamayanan)!”
وَلَمَّا أَنْ جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالُوا لَا تَخَفْ وَلَا تَحْزَنْ ۖ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهْلَكَ إِلَّا امْرَأَتَكَ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ
At nang ang Aming mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal kay Lut, siya ay lubos na nanimdim sa kanilang mga ginawa, at nakaramdam siya ng panggigipuspos (kawalan ng magagawa upang pangalagaan sila), datapuwa’t kanilang sinabi: “(Lut), huwag kang mangamba, gayundin, huwag kang mamighati! Katotohanang naririto kami upang iligtas ka at ang iyong pamilya at tagasunod, maliban sa iyong asawa, siya ay kabilang sa mga nagpaiwan (alalaong baga, ang asawa ni Lut ay mawawasak na kasama ng mga wawasakin sa kanyang pamayanan)
إِنَّا مُنْزِلُونَ عَلَىٰ أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Katotohanan, aming ibabagsak sa mga tao at bayang ito ang matinding kaparusahan mula sa kalangitan, sapagkat sila ay naging buktot sa pagsalansang (sa mga Pag-uutos ni Allah).”

Choose other languages: