Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #76 Translated in Filipino

وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ نَافِلَةً ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا صَالِحِينَ
At ipinagkaloob Namin sa kanila si Isaac, at ng dagdag na gantimpala (apong lalaki) na si Hakob. Ang bawat isa ay Aming ginawang matuwid
وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا وَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِمْ فِعْلَ الْخَيْرَاتِ وَإِقَامَ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءَ الزَّكَاةِ ۖ وَكَانُوا لَنَا عَابِدِينَ
At sila ay ginawa Naming mga pinuno, na namamatnubay (sa sangkatauhan) sa pamamagitan ng Aming Pag-uutos, at itinanim Namin sa kanilang (puso) ang paggawa ng mga kabutihan, ang ganap na pag-aalay nang mahinusay na Salah (takdang pagdarasal), at ang pagbibigay ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at tanging sa Amin lamang ang kanilang pagsamba
وَلُوطًا آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ تَعْمَلُ الْخَبَائِثَ ۗ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَاسِقِينَ
At (alalahanin) si Lut, Aming ipinagkaloob sa kanya ang Hukman (tamang paghatol sa pamamalakad at pagkapropeta) at Karunungang (pangrelihiyon), at Aming iniligtas siya sa mga tao (pamayanan) na gumagawa ng Al- Khabaith (kasamaan, buktot at malalaswang gawa, atbp.). Katotohanang sila (ang pamayanan ni Lut) ay mga tao na inilaan sa kasamaan at sila ay Fasiqun (suwail, taksil, palasuway kay Allah)
وَأَدْخَلْنَاهُ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ
At siya ay tinanggap Namin sa Aming Habag, katotohanang siya ay isa sa mga matutuwid
وَنُوحًا إِذْ نَادَىٰ مِنْ قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ
At (alalahanin) si Noe, nang siya ay nanambitan sa Amin noon pang unang panahon. Kami ay duminig sa kanyang panalangin at Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya sa malaking paghihirap

Choose other languages: