Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #78 Translated in Filipino

وَلُوطًا آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ تَعْمَلُ الْخَبَائِثَ ۗ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَاسِقِينَ
At (alalahanin) si Lut, Aming ipinagkaloob sa kanya ang Hukman (tamang paghatol sa pamamalakad at pagkapropeta) at Karunungang (pangrelihiyon), at Aming iniligtas siya sa mga tao (pamayanan) na gumagawa ng Al- Khabaith (kasamaan, buktot at malalaswang gawa, atbp.). Katotohanang sila (ang pamayanan ni Lut) ay mga tao na inilaan sa kasamaan at sila ay Fasiqun (suwail, taksil, palasuway kay Allah)
وَأَدْخَلْنَاهُ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ
At siya ay tinanggap Namin sa Aming Habag, katotohanang siya ay isa sa mga matutuwid
وَنُوحًا إِذْ نَادَىٰ مِنْ قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ
At (alalahanin) si Noe, nang siya ay nanambitan sa Amin noon pang unang panahon. Kami ay duminig sa kanyang panalangin at Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya sa malaking paghihirap
وَنَصَرْنَاهُ مِنَ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ
Siya ay Aming tinulungan laban sa mga tao na nagtatatwa sa Aming Ayat (mga katibayan, talata, aral, tanda, atbp.). Katotohanang sila ay mga tao na inilaan sa kasamaan. Kaya’t silang lahat ay Aming nilunod
وَدَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ إِذْ يَحْكُمَانِ فِي الْحَرْثِ إِذْ نَفَشَتْ فِيهِ غَنَمُ الْقَوْمِ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شَاهِدِينَ
At (alalahanin) si david at Solomon, nang sila ay naglapat ng hatol sa kaso ng isang bukirin, na kung saan ang mga tupa ng ibang tao ay nanginain dito sa gabi at Kami ang naging Saksi sa kanilang paghatol

Choose other languages: