Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #49 Translated in Filipino

قُلْ إِنَّمَا أُنْذِرُكُمْ بِالْوَحْيِ ۚ وَلَا يَسْمَعُ الصُّمُّ الدُّعَاءَ إِذَا مَا يُنْذَرُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Aking binibigyang babala lamang kayo sa pamamagitan ng kapahayagan (ni Allah at hindi ng aking sariling kuru-kuro o ng mga pantas). Datapuwa’t ang bingi (na sumunod sa bulag na pagtuturo ng iba at ng mga pantas) ay hindi makakarinig sa panawagan, (kahit na) sila ay paalalahanan (alalaong baga, sinuman ay marapat na sumunod lamang sa Qur’an at Sunna, mga pamamaraan at gawa at pagsamba mula sa pahayag ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan)
وَلَئِنْ مَسَّتْهُمْ نَفْحَةٌ مِنْ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ
At kung ang isang hibla (maliit na kapinsalaan) ng Kaparusahan ng inyong Panginoon ay sumaling sa kanila, katiyakang sila ay mananaghoy: “Sa aba namin!” Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga pagano, buhong, buktot, atbp)
وَنَضَعُ الْمَوَازِينَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْئًا ۖ وَإِنْ كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا ۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَاسِبِينَ
At itatatag Namin ang timbangan ng katarungan sa Araw ng Muling Pagkabuhay, kaya’t walang sinuman ang tuturingan ng kawalang katarungan sa lahat ng bagay. At kung mayroon mang (gawa) na katulad ng bigat ng isang buto ng mustasa, ito ay Aming itatambad. At Kami ay Sapat na bilang Tagapagsulit
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ وَهَارُونَ الْفُرْقَانَ وَضِيَاءً وَذِكْرًا لِلْمُتَّقِينَ
At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises at Aaron ang Pamantayan ng (tama at mali), at isang nagluluningning na Liwanag (alalaong baga, ang Torah [mga Batas]), at isang Paala-ala sa Muttaqun (matutuwid, matimtiman at mabubuting tao)
الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَهُمْ مِنَ السَّاعَةِ مُشْفِقُونَ
Sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon kahit hindi Siya nakikita, habang sila ay nangangamba sa oras

Choose other languages: