Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #52 Translated in Filipino

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ وَهَارُونَ الْفُرْقَانَ وَضِيَاءً وَذِكْرًا لِلْمُتَّقِينَ
At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises at Aaron ang Pamantayan ng (tama at mali), at isang nagluluningning na Liwanag (alalaong baga, ang Torah [mga Batas]), at isang Paala-ala sa Muttaqun (matutuwid, matimtiman at mabubuting tao)
الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَهُمْ مِنَ السَّاعَةِ مُشْفِقُونَ
Sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon kahit hindi Siya nakikita, habang sila ay nangangamba sa oras
وَهَٰذَا ذِكْرٌ مُبَارَكٌ أَنْزَلْنَاهُ ۚ أَفَأَنْتُمْ لَهُ مُنْكِرُونَ
At ito ang pinagpalang Paala-ala (ang Qur’an) na Aming ipinanaog, kayo baga ay (hahamon) na itakwil ito
وَلَقَدْ آتَيْنَا إِبْرَاهِيمَ رُشْدَهُ مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا بِهِ عَالِمِينَ
At katotohanan, noong pang una ay Aming ipinagkaloob kay Abraham ang kanyang (bahagi) ng patnubay, at Kami ang Lubos na Nakakatalos sa kanya (tungkol sa kanyang paniniwala sa Kaisahan ni Allah, atbp)
إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَا هَٰذِهِ التَّمَاثِيلُ الَّتِي أَنْتُمْ لَهَا عَاكِفُونَ
Nang kanyang ipagturing sa kanyang ama at sa kanyang pamayanan: “Ano ang mga larawang ito (mga imahen) na inyong pinagsisilbihan at pinagkakaabalahan?”

Choose other languages: