Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #110 Translated in Filipino

إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَاغًا لِقَوْمٍ عَابِدِينَ
Katotohanang dito (sa Qur’an) ay mayroong maliwanag na Mensahe sa mga tao na sumasamba kay Allah (alalaong baga, ang tunay na nananalig sa Islam, sumusunod sa Qur’an at sa mga pamamaraan ng Propeta)
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ
At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo, maliban lamang na tanging Habag sa Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
قُلْ إِنَّمَا يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sa akin ay ipinahayag na ang inyong Ilah (diyos) ay isa lamang Ilah (diyos, si Allah). Hindi baga kayo tatalima sa Kanyang Kalooban (na maging Muslim at magtigil sa pagsamba sa iba pa maliban kay Allah)?”
فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ آذَنْتُكُمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۖ وَإِنْ أَدْرِي أَقَرِيبٌ أَمْ بَعِيدٌ مَا تُوعَدُونَ
Datapuwa’t kung sila (mga pagano, mapagsamba sa diyus-diyosan, Hudyo, Kristiyano, atbp.) ay magsitalikod (sa Islam at Kaisahan ni Allah), ipagsaysay mo sa kanila (o Muhammad): “Ipinahayag ko sa inyong lahat ang Mensahe sa Katotohanan (o babala ng labanan), na maging lantad sa ating lahat, subalit hindi ko nababatid kung ang ipinangako sa inyo (alalaong baga, ang kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ay malapit na o malayo pa
إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ مِنَ الْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُونَ
Ipagbadya mo (o Muhammad): “Katotohanang Siya (Allah) ang nakakabatid kung ano ang inyong ipinangungusap nang malakas (lantad) at gayundin ang inyong ikinukubli

Choose other languages: