Surah Al-Anaam Ayahs #82 Translated in Filipino
فَلَمَّا رَأَى الشَّمْسَ بَازِغَةً قَالَ هَٰذَا رَبِّي هَٰذَا أَكْبَرُ ۖ فَلَمَّا أَفَلَتْ قَالَ يَا قَوْمِ إِنِّي بَرِيءٌ مِمَّا تُشْرِكُونَ
Nang mapagmalas niya ang araw na sumisikat, siya ay nagsabi: “Ito ang aking Panginoon. Ito ay higit na dakila.” Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: “O aking pamayanan! Katotohanang ako ay malaya sa lahat ng mga iniaakibat ninyo na katambal sa pagsamba kay Allah.”
إِنِّي وَجَّهْتُ وَجْهِيَ لِلَّذِي فَطَرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ حَنِيفًا ۖ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Katotohanang aking ibinaling ang aking mukha tungo sa Kanya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ako ay hindi kabilang doon sa mga sumasamba sa iba maliban pa kay Allah
وَحَاجَّهُ قَوْمُهُ ۚ قَالَ أَتُحَاجُّونِّي فِي اللَّهِ وَقَدْ هَدَانِ ۚ وَلَا أَخَافُ مَا تُشْرِكُونَ بِهِ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ رَبِّي شَيْئًا ۗ وَسِعَ رَبِّي كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۗ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Ang kanyang pamayanan ay nakipagtalo sa kanya. Siya ay nagsabi: “Kayo ba ay nakikipagtalo sa akin hinggil kay Allah samantalang ako ay pinatnubayan Niya, at hindi ko pinangangambahan ang mga itinatambal ninyo sa pagsamba kay Allah. (walang anumang mangyayari sa akin) maliban kung ang aking Panginoon (Allah) ay magpahintulot ng isang bagay. Ang aking Panginoon ay nakakatalastas sa Kanyang karunungan ng lahat ng bagay. Hindi baga kayo makakaala-ala
وَكَيْفَ أَخَافُ مَا أَشْرَكْتُمْ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمْ أَشْرَكْتُمْ بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا ۚ فَأَيُّ الْفَرِيقَيْنِ أَحَقُّ بِالْأَمْنِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At bakit ko pangangambahan ang (mga bagay) na itinatambal ninyo sa pagsamba kay Allah (bagama’t sila ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan o kasahulan), datapuwa’t hindi ninyo kinatatakutan na kayo ay nagtatambal sa pagsamba kay Allah sa mga bagay na Siya ay hindi nagpapanaog sa inyo ng kapamahalaan. (Kaya’t) sino sa dalawang pangkat ang may higit na karapatan sa kapanatagan, kung inyo lamang nalalaman.”
الَّذِينَ آمَنُوا وَلَمْ يَلْبِسُوا إِيمَانَهُمْ بِظُلْمٍ أُولَٰئِكَ لَهُمُ الْأَمْنُ وَهُمْ مُهْتَدُونَ
Sila na nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at wala nang sinasamba na iba pa maliban sa Kanya) at hindi inihahalo ang kalituhan sa kanilang paniniwala ng may kamalian (alalaong baga, ang pagsamba sa iba pa maliban kay Allah), sa kanila (lamang) ang kapanatagan at sila ay napapatnubayan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
