Surah Al-Anaam Ayahs #75 Translated in Filipino
قُلْ أَنَدْعُو مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰ أَعْقَابِنَا بَعْدَ إِذْ هَدَانَا اللَّهُ كَالَّذِي اسْتَهْوَتْهُ الشَّيَاطِينُ فِي الْأَرْضِ حَيْرَانَ لَهُ أَصْحَابٌ يَدْعُونَهُ إِلَى الْهُدَى ائْتِنَا ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۖ وَأُمِرْنَا لِنُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
Ipagbadya(oMuhammad):“Atinbagangpaninikluhuran ang mga iba (mga huwad na diyus-diyosan) maliban pa kay Allah, (sila) na hindi makakapagbigay sa atin ng anumang mabuti o pinsala, at tayo ba ay magtatalikod ng ating sakong matapos na Siya ay mamatnubay sa atin (sa tunay na paniniwala sa Tangi at Nag-iisang diyos)? – na katulad niya na isinadlak ng mga diyablo na mapaligaw, na nalilito (at nagpapalibot-libot) sa kalupaan, ang kanyang kasamahan ay tumatawag sa kanya tungo sa patnubay (na nagsasabi): “Pumarito ka sa amin.” Ipagbadya: “Katotohanan, ang patnubay ni Allah ang tangi lamang patnubay, at kami ay pinag-utusan na magsuko (ng aming sarili) sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
وَأَنْ أَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَاتَّقُوهُ ۚ وَهُوَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
At mag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at maging masunurin kay Allah at pangambahan Siya, at sa Kanya kayong lahat ay titipunin.”
وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُنْ فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ الْحَقُّ ۚ وَلَهُ الْمُلْكُ يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ ۚ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ
Siya (Allah) ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan, at sa Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), Siya ay magwiwika: “Mangyari nga, at ito ay magaganap.” Ang Kanyang Salita ay Katotohanan. Ang Kanyang naisin ang makakapangyari sa Araw na ang Tambuli ay hihipan. (Siya) ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng mga nakalingid at nakalantad, Siya ang Pinakamaalam, ang Puspos ng Karunungan (sa lahat ng bagay)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ آزَرَ أَتَتَّخِذُ أَصْنَامًا آلِهَةً ۖ إِنِّي أَرَاكَ وَقَوْمَكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
(At alalahanin) nang sabihin ni Abraham sa kanyang amang si Azar: “Inyo bagang tinatangkilik ang mga imahen bilang diyos? Katotohanang aking nakikita na kayo at ang inyong pamayanan ay nasa maliwanag na kamalian.”
وَكَذَٰلِكَ نُرِي إِبْرَاهِيمَ مَلَكُوتَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلِيَكُونَ مِنَ الْمُوقِنِينَ
Sa ganito Namin ipinamalas kay Abraham ang kaharian ng mga kalangitan at kalupaan upang siya ay mabilang sa isa sa mga may tiyak na Pananalig
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
