Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #77 Translated in Filipino

وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُنْ فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ الْحَقُّ ۚ وَلَهُ الْمُلْكُ يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ ۚ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ
Siya (Allah) ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan sa katotohanan, at sa Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), Siya ay magwiwika: “Mangyari nga, at ito ay magaganap.” Ang Kanyang Salita ay Katotohanan. Ang Kanyang naisin ang makakapangyari sa Araw na ang Tambuli ay hihipan. (Siya) ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng mga nakalingid at nakalantad, Siya ang Pinakamaalam, ang Puspos ng Karunungan (sa lahat ng bagay)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ آزَرَ أَتَتَّخِذُ أَصْنَامًا آلِهَةً ۖ إِنِّي أَرَاكَ وَقَوْمَكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
(At alalahanin) nang sabihin ni Abraham sa kanyang amang si Azar: “Inyo bagang tinatangkilik ang mga imahen bilang diyos? Katotohanang aking nakikita na kayo at ang inyong pamayanan ay nasa maliwanag na kamalian.”
وَكَذَٰلِكَ نُرِي إِبْرَاهِيمَ مَلَكُوتَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلِيَكُونَ مِنَ الْمُوقِنِينَ
Sa ganito Namin ipinamalas kay Abraham ang kaharian ng mga kalangitan at kalupaan upang siya ay mabilang sa isa sa mga may tiyak na Pananalig
فَلَمَّا جَنَّ عَلَيْهِ اللَّيْلُ رَأَىٰ كَوْكَبًا ۖ قَالَ هَٰذَا رَبِّي ۖ فَلَمَّا أَفَلَ قَالَ لَا أُحِبُّ الْآفِلِينَ
Nang ang kadiliman ng gabi ay lumambong sa kanya, siya ay nakamalas ng isang bituin. Siya ay nagsabi: “Ito ang aking Panginoon.” Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: “Hindi ko naiibigan yaong lumulubog.”
فَلَمَّا رَأَى الْقَمَرَ بَازِغًا قَالَ هَٰذَا رَبِّي ۖ فَلَمَّا أَفَلَ قَالَ لَئِنْ لَمْ يَهْدِنِي رَبِّي لَأَكُونَنَّ مِنَ الْقَوْمِ الضَّالِّينَ
Nang mapagmasdan niya ang buwan na sumisikat, siya ay nagsabi: “Ito ang aking Panginoon.” Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: “Malibang ako ay patnubayan ng aking Panginoon, katiyakang ako ay mapapabilang sa lipon ng mga tao na naliligaw sa kamalian.”

Choose other languages: