Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #61 Translated in Filipino

قُلْ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَكَذَّبْتُمْ بِهِ ۚ مَا عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ يَقُصُّ الْحَقَّ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْفَاصِلِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay nasa maliwanag na Katibayan mula sa aking Panginoon (Kaisahan ng Diyos sa Islam), datapuwa’t inyong ikinaila (ang katotohanan na dumatal sa akin mula kay Allah). Hindi ko nakamtan ang inyong hinihingi na inyong kinaiinipan (ang kaparusahan). Ang pasya ay tanging na kay Allah lamang, Siya ang nagpapahayag ng Katotohanan, at Siya ang Pinakamainam sa lahat ng mga hukom.”
قُلْ لَوْ أَنَّ عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ لَقُضِيَ الْأَمْرُ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۗ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِالظَّالِمِينَ
Ipagbadya: “Kung nasa akin lamang ang inyong hinihingi na (inyong) kinaiinipan (ang kaparusahan), ang (gayong) bagay sana ay noon pa madaling napagpasyahan sa pagitan natin, datapuwa’t si Allah ang tunay na nakakaalam kung sino ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp)
وَعِنْدَهُ مَفَاتِحُ الْغَيْبِ لَا يَعْلَمُهَا إِلَّا هُوَ ۚ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۚ وَمَا تَسْقُطُ مِنْ وَرَقَةٍ إِلَّا يَعْلَمُهَا وَلَا حَبَّةٍ فِي ظُلُمَاتِ الْأَرْضِ وَلَا رَطْبٍ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ
At Siya ang nag-aangkin ng mga susi ng Ghaib (lahat ng bagay na nakalingid), walang sinuman ang nakakaalam ng mga ito maliban sa Kanya. At talastas Niya kung anuman ang nasa kalangitan at nasa karagatan; wala ni isa mang dahon ang malalaglag nang hindi Niya batid. wala ni isa mang butil sa kadiliman ng kalupaan, gayundin ang anumang bagay na sariwa o tuyo, na hindi nakatala sa isang Maliwanag na Talaan
وَهُوَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ بِاللَّيْلِ وَيَعْلَمُ مَا جَرَحْتُمْ بِالنَّهَارِ ثُمَّ يَبْعَثُكُمْ فِيهِ لِيُقْضَىٰ أَجَلٌ مُسَمًّى ۖ ثُمَّ إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ ثُمَّ يُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Siya ang kumukuha ng inyong kaluluwa sa gabi (kung kayo ay natutulog), at may lahat ng kaalaman sa lahat ng inyong ginawa sa maghapon, at Kanyang ibinabangon (ginigising) kayong muli upang ang isang natataningang panahon (ang haba ng inyong buhay) ay matupad, at sa katapusan, sa Kanya ang inyong pagbabalik. At Kanyang ipapaalam sa inyo kung ano ang inyong ginawa
وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۖ وَيُرْسِلُ عَلَيْكُمْ حَفَظَةً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ تَوَفَّتْهُ رُسُلُنَا وَهُمْ لَا يُفَرِّطُونَ
Siya ay hindi Mapapasubalian, na Nakakapangyari sa Kanyang mga alipin, at Siya ay nagsusugo ng mga tagapangalaga (mga anghel na nagbabantay at nagtatala ng bawat isa sa ating mabubuti at masasamang gawa) para sa inyo, hanggang kung ang kamatayan ay dumatal sa isa sa inyo, ang Aming mga mensahero (ang anghel ng kamatayan at kanyang kawaksi) ay kukuha ng kanyang kaluluwa, at sila ay hindi nakakalimot sa kanilang tungkulin

Choose other languages: