Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #148 Translated in Filipino

وَمِنَ الْإِبِلِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْبَقَرِ اثْنَيْنِ ۗ قُلْ آلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ ۖ أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ وَصَّاكُمُ اللَّهُ بِهَٰذَا ۚ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا لِيُضِلَّ النَّاسَ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Atsakamelyo,aydalawa(lalakiatbabae),atngkinapong baka ay dalawa (lalaki at babae). Ipagbadya: “Kanya (Allah) bagang ipinagbawal ang dalawang lalaki o ang dalawang babae o (ang bulo) na kinukupkop sa mga sinapupunan ng dalawang babae? o kayo baga ay nandoroon nang si Allah ay mag-utos sa inyo ng gayong bagay? Kung gayon, sino kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah, upang akayin ang mga tao na maligaw ng walang kaalaman. Katiyakang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kamalian, atbp)
قُلْ لَا أَجِدُ فِي مَا أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَىٰ طَاعِمٍ يَطْعَمُهُ إِلَّا أَنْ يَكُونَ مَيْتَةً أَوْ دَمًا مَسْفُوحًا أَوْ لَحْمَ خِنْزِيرٍ فَإِنَّهُ رِجْسٌ أَوْ فِسْقًا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ ۚ فَمَنِ اضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “Hindi ako nakakita sa mga bagay na ipinahayag sa akin ng anumang ipinagbabawal na kainin, sa mga nagnanais na kumain nito, maliban na lamang kung ito ay Maita (patay na hayop), o dugong umagos (sa pagkakatay o katumbas nito), o laman (karne) ng baboy, sapagkat katiyakang ito ay hindi dalisay, o walang kabanalan; (hindi nararapat) ang laman (ng hayop) na kinatay bilang sakripisyo (alay) sa mga iba (pang diyus-diyosan) maliban pa kay Allah, (o yaong mga kinatay para sa mga imahen, atbp., o yaong [mga kinatay] na ang Ngalan ni Allah ay hindi inusal [binanggit] dito sa sandali ng pagkatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahilan sa matinding pangangailangan na walang kusang pagsuway at hindi nagmamalabis sa hangganan ng paglabag, (sa kanya) ay katiyakang ang iyong Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
وَعَلَى الَّذِينَ هَادُوا حَرَّمْنَا كُلَّ ذِي ظُفُرٍ ۖ وَمِنَ الْبَقَرِ وَالْغَنَمِ حَرَّمْنَا عَلَيْهِمْ شُحُومَهُمَا إِلَّا مَا حَمَلَتْ ظُهُورُهُمَا أَوِ الْحَوَايَا أَوْ مَا اخْتَلَطَ بِعَظْمٍ ۚ ذَٰلِكَ جَزَيْنَاهُمْ بِبَغْيِهِمْ ۖ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ
At sa kanila na mga Hudyo (na sumusunod sa Batas), Aming ipinagbawal ang bawat (hayop) na walang hati ang mga kuko, at ipinagbawal Namin sa kanila ang taba (mantika) ng kinapong baka at ng tupa, maliban sa nakakapit sa kanilang likod o sa kanilang lamang loob, o ang nakahalo sa buto. Sa ganito Namin binayaran sila sa kanilang paghihimagsik (sa paggawa ng mga krimen katulad ng pagpatay sa mga Propeta, pagpapatubo [ng pera], atbp.). At tunay na Kami ay Makatotohanan (Matapat)
فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ
At kung sila (na mga Hudyo) ay magpabulaan sa iyo (o Muhammad), iyong ipagbadya: “Ang inyong Panginoon ang Nagmamay-ari ng Malawak na Habag, at hindi kailanman ang Kanyang poot ay magbabawa sa mga tao na Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, buktot, tampalasan, atbp)
سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلَا آبَاؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّىٰ ذَاقُوا بَأْسَنَا ۗ قُلْ هَلْ عِنْدَكُمْ مِنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَا ۖ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ أَنْتُمْ إِلَّا تَخْرُصُونَ
Sila na nag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) kay Allah ay nagsasabi: “Kung ninais lamang ni Allah, kami sana ay hindi mag-aakibat ng mga katambal (sa pagsamba) sa Kanya, gayundin ang aming mga ninuno, at kami ay hindi magbabawal ng anumang bagay (na laban sa Kanyang Kalooban).” Sa gayon din nagpasinungaling ang mga nangauna sa kanila, (sila ay nakipagtalo ng walang katotohanan sa mga Tagapagbalita ni Allah), hanggang sa kanilang matikman ang Aming Poot. Ipagbadya: “Mayroon baga kayong kaalaman (katibayan) na inyong maipamamalas sa Aming harapan? Katotohanang wala kayong sinusunod kundi mga sapantaha at wala kayong ginagawa kundi kasinungalingan (lamang)

Choose other languages: