Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #126 Translated in Filipino

أَوَمَنْ كَانَ مَيْتًا فَأَحْيَيْنَاهُ وَجَعَلْنَا لَهُ نُورًا يَمْشِي بِهِ فِي النَّاسِ كَمَنْ مَثَلُهُ فِي الظُّلُمَاتِ لَيْسَ بِخَارِجٍ مِنْهَا ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْكَافِرِينَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Siya kaya na patay (walang Pananalig dahilan sa walang kamuwangan at kawalan ng paniniwala), na ginawaran Namin ng buhay (kaalaman sa pananampalataya), upang siya ay makalakad sa lipon ng mga tao, ay katulad niya na nasa kadiliman (nasa kawalan ng pananalig, pagsamba sa diyus-diyosan at pagkukunwari), na rito siya ay hindi makakalabas? Kaya’t ginawa na maging kalugod-lugod sa mga hindi sumasampalataya ang mga bagay na kanilang ginagawa
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا فِي كُلِّ قَرْيَةٍ أَكَابِرَ مُجْرِمِيهَا لِيَمْكُرُوا فِيهَا ۖ وَمَا يَمْكُرُونَ إِلَّا بِأَنْفُسِهِمْ وَمَا يَشْعُرُونَ
At Aming itinalaga sa bawat bayan ang pinakamagaling sa kanilang mga tao sa kabuktutan upang magbalak (ng kasamaan) dito. Datapuwa’t sila ay walang binalak, maliban na ito ay laban sa kanilang sarili, at ito ay hindi nila napag-aakala
وَإِذَا جَاءَتْهُمْ آيَةٌ قَالُوا لَنْ نُؤْمِنَ حَتَّىٰ نُؤْتَىٰ مِثْلَ مَا أُوتِيَ رُسُلُ اللَّهِ ۘ اللَّهُ أَعْلَمُ حَيْثُ يَجْعَلُ رِسَالَتَهُ ۗ سَيُصِيبُ الَّذِينَ أَجْرَمُوا صَغَارٌ عِنْدَ اللَّهِ وَعَذَابٌ شَدِيدٌ بِمَا كَانُوا يَمْكُرُونَ
At nang may dumatal sa kanila na isang Tanda (mula kay Allah), sila ay nagsabi: “Kami ay hindi sasampalataya hangga’t hindi namin natatanggap ang katulad nang tinanggap ng mga Tagapagbalita ni Allah.” Si Allah ang higit na nakakaalam kung kanino Niya ibibigay ang Kanyang Mensahe. Kaabaan at kawalang kahihiyan mula kay Allah at isang matinding kaparusahan ang lalagom sa mga kriminal (mapagsamba sa diyus-diyosan at makasalanan, atbp.), dahilan sa ginawa nilang pagbabalak (pakana)
فَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يَهْدِيَهُ يَشْرَحْ صَدْرَهُ لِلْإِسْلَامِ ۖ وَمَنْ يُرِدْ أَنْ يُضِلَّهُ يَجْعَلْ صَدْرَهُ ضَيِّقًا حَرَجًا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي السَّمَاءِ ۚ كَذَٰلِكَ يَجْعَلُ اللَّهُ الرِّجْسَ عَلَى الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ
At sinuman ang naisin ni Allah na patnubayan, Kanyang binubuksan ang kanyang dibdib sa Islam, at kung sinuman ang Kanyang naisin na mapaligaw, ginagawa Niya ang kanyang dibdib ay nakapinid at nakaikom, na wari bang siya ay pumapanhik sa alapaap. Kaya’t sa ganito inilalagay ni Allah ang Kanyang pagkapoot sa kanila na hindi nananampalataya
وَهَٰذَا صِرَاطُ رَبِّكَ مُسْتَقِيمًا ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَذَّكَّرُونَ
At ito ang Landas ng inyong Panginoon (ang Qur’an at Islam) na humahantong sa katuwiran. Aming (ipinahayag) sa masusing paraan ang Aming mga kapahayagan sa mga tao na dumirinig (sa utos)

Choose other languages: