Surah Al-Ahqaf Ayahs #11 Translated in Filipino
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ هَٰذَا سِحْرٌ مُبِينٌ
At kung ang Aming Maliwanag na mga Talata ay dinadalit sa kanila, ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi kung ang katotohanan (ang Qur’an) ay sumapit sa kanila: “Ito ay maliwanag na salamangka!”
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ إِنِ افْتَرَيْتُهُ فَلَا تَمْلِكُونَ لِي مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِ ۖ كَفَىٰ بِهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۖ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
At sila ba ay nagsasabi: “Hinuwad (kinopya) lamang niya (Muhammad) ito!” Ipagbadya: “Kung hinuwad ko lamang ito, magkagayunman, kayo ay walang kapangyarihan na patunayan ako laban kay Allah. Lubos Niyang batid kung ano ang inyong pinag-uusapan tungkol dito (Qur’an). Sapat na Siya bilang isang Saksi sa pagitan ko at ninyo! At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Habag.”
قُلْ مَا كُنْتُ بِدْعًا مِنَ الرُّسُلِ وَمَا أَدْرِي مَا يُفْعَلُ بِي وَلَا بِكُمْ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ وَمَا أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay hindi naiiba sa mga Tagapagbalita (ni Allah, at ako ay hindi unang Tagapagbalita), gayundin ay hindi ko nalalaman kung ano ang magaganap sa akin o sa inyo. Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin at ako ay isa lamang lantad na Tagapagbabala
قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَكَفَرْتُمْ بِهِ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ مِثْلِهِ فَآمَنَ وَاسْتَكْبَرْتُمْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Ipagbadya: “Nakikita ba ninyo (at inyong sabihin sa akin)! Kung ang aral na ito (ang Qur’an) ay mula kay Allah, at itinatakwil ninyo ito, at ang isang saksi mula sa Angkan ng Israel (Abdullah bin Salam) ay nagpapatunay na ang Qur’an (na ito) ay mula kay Allah (na nakakahawig ng Torah, ang naunang Kasulatan), at sumampalataya rito (yumakap sa Islam), habang kayo ay lubhang mapagpaimbabaw (upang manalig).” Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, hindi makatarungan, atbp)
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا لَوْ كَانَ خَيْرًا مَا سَبَقُونَا إِلَيْهِ ۚ وَإِذْ لَمْ يَهْتَدُوا بِهِ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَا إِفْكٌ قَدِيمٌ
Ang mga hindi sumasampalataya (malakas at mayaman) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (mahina at mahirap): “Kung ang kalatas (na ito, ang Islam na siyang ipinararating ni Propeta Muhammad) ay tunay na magandang bagay, (ang mga taong ito na mahina at mahirap) ay hindi dapat na nauna pa sa amin! At nang hindi nila hinayaan na ang kanilang sarili ay mapatnubayan (ng Qur’an), sila ay nagsasabi: “Ito ay isang sinaunang kasinungalingan!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
