Quran Apps in many lanuages:

Surah Yunus Ayahs #78 Translated in Filipino

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا بِهِ مِنْ قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ نَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْمُعْتَدِينَ
Kaya’t pagkatapos niya (Noe), Kami ay nagsugo ng mga Tagapagbalita sa kanyang pamayanan. Sila ay nagdala sa kanila ng mga Maliliwanag na Katibayan, datapuwa’t tumutol silang paniwalaan ang sa kanila ay ipinahayag noon pang una. Kaya’t sa ganito Namin tinatakpan ang puso ng mga nagmamalabis sa paglabag (na nagtatakwil sa Kaisahan ni Allah at sumusuway sa Kanya)
ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ وَهَارُونَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ بِآيَاتِنَا فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُجْرِمِينَ
At pagkaraan nila ay Aming isinugo sina Moises at Aaron kay Paraon at sa kanyang mga pinuno na dala ang Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.). Datapuwa’t sila ay nag-asal ng may kapalaluan at sila ay Mujrimun (mga walang paniniwala, makasalanan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, kriminal, atbp)
فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا إِنَّ هَٰذَا لَسِحْرٌ مُبِينٌ
Kaya’t nang dumatal sa kanila ang katotohanan mula sa Amin, sila ay nagsasabi: “Katiyakang ito ay isang malinaw na salamangka.”
قَالَ مُوسَىٰ أَتَقُولُونَ لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَكُمْ ۖ أَسِحْرٌ هَٰذَا وَلَا يُفْلِحُ السَّاحِرُونَ
Si Moises ay nagbadya: “Sinasabi ba ninyo (ito) hinggil sa Katotohanan nang ito ay dumatal sa inyo? Ito ba ay salamangka? Datapuwa’t ang mga salamangkero ay hindi magtatagumpay.”
قَالُوا أَجِئْتَنَا لِتَلْفِتَنَا عَمَّا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا وَتَكُونَ لَكُمَا الْكِبْرِيَاءُ فِي الْأَرْضِ وَمَا نَحْنُ لَكُمَا بِمُؤْمِنِينَ
Sila ay nagsasabi: “Kayo ba ay pumunta sa amin upang pagbawalan kami sa pagsunod sa pananalig na minana namin sa aming mga ninuno, - at upang kayong dalawa ay maging dakila sa kalupaan? Kayong dalawa ay hindi namin paniniwalaan!”

Choose other languages: