Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #75 Translated in Filipino

إِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي خَالِقٌ بَشَرًا مِنْ طِينٍ
Pagmasdan! Nang ang iyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanang Ako ay lilikha ng tao mula sa malagkit na putik.”
فَإِذَا سَوَّيْتُهُ وَنَفَخْتُ فِيهِ مِنْ رُوحِي فَقَعُوا لَهُ سَاجِدِينَ
Nang Aking mahubog siya at mahingahan siya ng Aking espiritu (kanyang kaluluwa), kayo ay magsiluhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba)
فَسَجَدَ الْمَلَائِكَةُ كُلُّهُمْ أَجْمَعُونَ
Kaya’t ang mga anghel ay nagpatira sa kanilang sarili, lahat sila nang sama-sama
إِلَّا إِبْلِيسَ اسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ
Maliban kay Iblis (isang Jinn na kasama ng mga anghel); siya ay mapagpalalo at naging isa sa mga palasuway sa pananampalataya (walang pananalig sa Karunungan ni Allah)
قَالَ يَا إِبْلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَنْ تَسْجُدَ لِمَا خَلَقْتُ بِيَدَيَّ ۖ أَسْتَكْبَرْتَ أَمْ كُنْتَ مِنَ الْعَالِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “o Iblis! Ano ang pumipigil sa iyong sarili na magpatirapa sa kanya na Aking nilikha ng Aking mga Kamay? Ikaw ba ay lubhang mapagmataas (upang magpatirapa kay Adan)? o ikaw ba ay isa sa mga mataas (sa kapangyarihan)?”

Choose other languages: