Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #63 Translated in Filipino

هَٰذَا فَوْجٌ مُقْتَحِمٌ مَعَكُمْ ۖ لَا مَرْحَبًا بِهِمْ ۚ إِنَّهُمْ صَالُو النَّارِ
Ito ay isang pangkat na papasok na kasama ninyo (sa Apoy ng Impiyerno). walang pagsalubong sa kanila! Katotohanang sila ay masusunog sa Apoy
قَالُوا بَلْ أَنْتُمْ لَا مَرْحَبًا بِكُمْ ۖ أَنْتُمْ قَدَّمْتُمُوهُ لَنَا ۖ فَبِئْسَ الْقَرَارُ
(Ang mga ligaw na tagasunod ay magsasabi sa nagligaw na mga pinuno): “Hindi, kayo rin! Wala ring pagsalubong sa inyo! Kayo (na mga manlilinlang) ang naging dahilan ng aming pagkapasok dito (sapagkat kami ay iniligaw ninyo sa buhay sa kalupaan), kaya’t pagkasama-sama ng lugar na ito para himpilan!”
قَالُوا رَبَّنَا مَنْ قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدْهُ عَذَابًا ضِعْفًا فِي النَّارِ
Sila ay magsasabi: “O Panginoon! Kung sinuman ang nagdala sa amin sa katatayuang ito, idagdag Ninyo sa kanila ang dalawang beses na kaparusahan sa Apoy!”
وَقَالُوا مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالًا كُنَّا نَعُدُّهُمْ مِنَ الْأَشْرَارِ
At sila ay magsasabi: “Ano ang nangyari sa amin, na hindi namin nakita ang mga tao na noon ay lagi naming ibinibilang sa lipon ng masasama?”
أَتَّخَذْنَاهُمْ سِخْرِيًّا أَمْ زَاغَتْ عَنْهُمُ الْأَبْصَارُ
Sila ba ay itinuring namin bilang isang bagay ng panunuya, o ang aming mga mata kaya ay nabigo na mahiwatigan sila?”

Choose other languages: