Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #42 Translated in Filipino

وَآخَرِينَ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ
At gayundin ang iba pa na natatalian ng mga kadena
هَٰذَا عَطَاؤُنَا فَامْنُنْ أَوْ أَمْسِكْ بِغَيْرِ حِسَابٍ
(winika ni Allah kay Solomon): “Ito ang Aming mga biyaya, kung ito man ay iyong ibigay (sa iba) o angkinin ito, walang pagsusulit ang itatanong (sa iyo).”
وَإِنَّ لَهُ عِنْدَنَا لَزُلْفَىٰ وَحُسْنَ مَآبٍ
At katotohanang siya ay nasiyahan sa pagiging malapit sa Amin, at ng isang mainam na huling Pagbabalik (Paraiso)
وَاذْكُرْ عَبْدَنَا أَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الشَّيْطَانُ بِنُصْبٍ وَعَذَابٍ
At alalahanin ang Aming tagapaglingkod na si Job, nang siya ay manawagan sa Amin (na nagsasabi): “Katotohanan, ang demonyo ay naggawad sa akin ng siphayo (sa pagkakaroon ng sakit) at ng pagdurusa (sa pagkawala ng aking kayamanan)
ارْكُضْ بِرِجْلِكَ ۖ هَٰذَا مُغْتَسَلٌ بَارِدٌ وَشَرَابٌ
(At winika ni Allah sa kanya): “Ipadyak mo ang iyong paa sa lupa; naririto ang sibol ng tubig upang ikaw ay makapaghugas, malamig, at nakakapagpaginhawang inumin.”

Choose other languages: