Surah Maryam Ayahs #97 Translated in Filipino
إِنْ كُلُّ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ إِلَّا آتِي الرَّحْمَٰنِ عَبْدًا
walang sinuman sa kalangitan at sa kalupaan ang dumatal maliban na nagmula (siya) sa Pinakamapagbigay (Allah) bilang isang alipin
لَقَدْ أَحْصَاهُمْ وَعَدَّهُمْ عَدًّا
Katotohanang batid Niya ang bawat isa sa kanila, at silang lahat ay nabilang Niya sa ganap na pagsusulit (pagbibilang)
وَكُلُّهُمْ آتِيهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَرْدًا
At ang bawat isa sa kanila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang kawaksi, tagapangalaga o tagapagtanggol)
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَيَجْعَلُ لَهُمُ الرَّحْمَٰنُ وُدًّا
Katotohanang sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad) at gumagawa ng mga gawa ng kabutihan, ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila (sa puso ng mga sumasampalataya)
فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ الْمُتَّقِينَ وَتُنْذِرَ بِهِ قَوْمًا لُدًّا
Kaya’t ginawa Namin ito (ang Qur’an), na magaan sa iyong sariling dila (o Muhammad), upang ikaw ay makapagbigay ng masayang balita sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng labis at gumagawa ng lahat ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito (ng Qur’an) ang Ludda (ang mga pinakapalaaway at magugulong tao)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
