Surah Maryam Ayahs #9 Translated in Filipino
وَإِنِّي خِفْتُ الْمَوَالِيَ مِنْ وَرَائِي وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا فَهَبْ لِي مِنْ لَدُنْكَ وَلِيًّا
At katotohanan, pinangangambahan ko ang aking mga kamag-anak na susunod sa akin sapagkat ang aking asawa ay baog. Kaya’t ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyong sarili ng isang tagapagmana
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنْ آلِ يَعْقُوبَ ۖ وَاجْعَلْهُ رَبِّ رَضِيًّا
Na susunod sa aking yapak at magmamana rin sa lahi ni Hakob (ang pagmamana ng karunungang pangrelihiyon at Pagka-propeta, at hindi sa kayamanan, atbp.). At (Inyong) gawin siya, aking Panginoon, bilang isa na Inyong tunay na kalulugdan!”
يَا زَكَرِيَّا إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ اسْمُهُ يَحْيَىٰ لَمْ نَجْعَلْ لَهُ مِنْ قَبْلُ سَمِيًّا
(Si Allah ay nagwika): “O Zakarias! Katotohanang Kami ay nagbibigay sa iyo ng isang masayang balita ng isang anak na lalaki, ang kanyang pangalan ay tatawaging Juan. Hindi Kami nagbigay kaninuman ng gayong pangalan.”
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا وَقَدْ بَلَغْتُ مِنَ الْكِبَرِ عِتِيًّا
Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki kung ang aking asawa ay baog, at ako ay sumapit na sa lubhang matandang gulang.”
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ وَقَدْ خَلَقْتُكَ مِنْ قَبْلُ وَلَمْ تَكُ شَيْئًا
Siya (Allah) ay nagwika: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)!Ang iyong Panginoon ang nagpapahayag; ito ay magaan lamang sa Akin. Katiyakang ikaw ay Aking nilikha ng ikaw ay mula pa sa wala!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
