Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #7 Translated in Filipino

إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ نِدَاءً خَفِيًّا
Nang siya ay manikluhod sa kanyang Panginoon (Allah); isang panawagan sa lihim
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ الْعَظْمُ مِنِّي وَاشْتَعَلَ الرَّأْسُ شَيْبًا وَلَمْ أَكُنْ بِدُعَائِكَ رَبِّ شَقِيًّا
Na nagsasabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking mga buto ay nagsisiurong na at ang puting buhok ay nakakalat na sa aking ulo, at ako kailanman ay hindi nawalan ng tugon sa aking panambitan sa Inyo, o aking Panginoon
وَإِنِّي خِفْتُ الْمَوَالِيَ مِنْ وَرَائِي وَكَانَتِ امْرَأَتِي عَاقِرًا فَهَبْ لِي مِنْ لَدُنْكَ وَلِيًّا
At katotohanan, pinangangambahan ko ang aking mga kamag-anak na susunod sa akin sapagkat ang aking asawa ay baog. Kaya’t ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyong sarili ng isang tagapagmana
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنْ آلِ يَعْقُوبَ ۖ وَاجْعَلْهُ رَبِّ رَضِيًّا
Na susunod sa aking yapak at magmamana rin sa lahi ni Hakob (ang pagmamana ng karunungang pangrelihiyon at Pagka-propeta, at hindi sa kayamanan, atbp.). At (Inyong) gawin siya, aking Panginoon, bilang isa na Inyong tunay na kalulugdan!”
يَا زَكَرِيَّا إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ اسْمُهُ يَحْيَىٰ لَمْ نَجْعَلْ لَهُ مِنْ قَبْلُ سَمِيًّا
(Si Allah ay nagwika): “O Zakarias! Katotohanang Kami ay nagbibigay sa iyo ng isang masayang balita ng isang anak na lalaki, ang kanyang pangalan ay tatawaging Juan. Hindi Kami nagbigay kaninuman ng gayong pangalan.”

Choose other languages: