Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #36 Translated in Filipino

وَبَرًّا بِوَالِدَتِي وَلَمْ يَجْعَلْنِي جَبَّارًا شَقِيًّا
At maging masunurin sa aking ina, at (Kanyang) ginawaran ako na huwag maging palalo at mawalan ng pagtingin ng pasasalamat
وَالسَّلَامُ عَلَيَّ يَوْمَ وُلِدْتُ وَيَوْمَ أَمُوتُ وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا
Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!”
ذَٰلِكَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ ۚ قَوْلَ الْحَقِّ الَّذِي فِيهِ يَمْتَرُونَ
Ito si Hesus, ang anak ni Maria, (ito ay) isang pahayag ng katotohanan, na rito sila ay nag-aalinlangan (o nagsisipagtalo-talo)
مَا كَانَ لِلَّهِ أَنْ يَتَّخِذَ مِنْ وَلَدٍ ۖ سُبْحَانَهُ ۚ إِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ
Hindi isang katampatan (sa Kamahalan ni) Allah na Siya ay magkaanak ng isang lalaki (ito ay tungkol sa paninirang puri ng mga Kristiyano laban kay Allah sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah). Tunay Siyang Maluwalhati (at Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinatambal sa Kanya). Kung Siya ay magtakda ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng “Mangyari nga” at ito ay magaganap
وَإِنَّ اللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ
(Si Hesus ay nagsabi): “At katotohanang si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya’t (tanging) sambahin Siya. Ito ang Tuwid na Landas (ang Relihiyon ni Allah, ang Islam na Kanyang ipinag-utos sa lahat ng Kanyang mga Propeta)

Choose other languages: