Quran Apps in many lanuages:

Surah Luqman Ayahs #11 Translated in Filipino

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِي أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinaparinig sa isa sa kanila, siya ay tumatalikod ng may kapalaluan, na wari bang hindi niya narinig sila; na wari bang mayroong kabingihan sa dalawa niyang tainga. Kaya’t ipagbadya sa kanya ang isang kasakit-sakit na kaparusahan
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ جَنَّاتُ النَّعِيمِ
At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso)
خَالِدِينَ فِيهَا ۖ وَعْدَ اللَّهِ حَقًّا ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Upang sila ay manahan dito. Ang pangako ni Allah ay tunay; at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
خَلَقَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ
Nilikha Niya ang kalangitan (alapaap) ng walang mga haligi na inyong namamasdan; itinindig Niya sa kalupaan ang mga kabundukan na nakatanim nang matatag, (kung hindi) baka ito ay umuga sa inyo; at Kanyang ikinalat dito ang lahat ng uri ng hayop. At Kami ang nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap at nagpatubo Kami sa kalupaan ng lahat ng uri (ng halaman) sa bawat pares
هَٰذَا خَلْقُ اللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ الَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ بَلِ الظَّالِمُونَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Ito ang Likha ni Allah. Ngayon, ipamalas ninyo sa Akin kung anong bagay ang nilikha nila (mga diyus-diyosan na inyong sinasamba) bukod pa ang sa Akin. Hindi, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaglabag sa mga utos, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah), ay nasa hayag na kamalian

Choose other languages: