Quran Apps in many lanuages:

Surah Luqman Ayahs #6 Translated in Filipino

تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ الْحَكِيمِ
Ito ang mga Talata ng Aklat ng Karunungan (ang Qur’an)
هُدًى وَرَحْمَةً لِلْمُحْسِنِينَ
Isang Patnubay at Habag sa Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan at katuwiran)
الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ
Sila na nag-aalay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah), at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at mayroong matibay na pananalig sa Kabilang Buhay
أُولَٰئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِنْ رَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Sila ang nasa (tunay) na patnubay mula sa kanilang Panginoon; at sila ang magsisipagtagumpay
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَشْتَرِي لَهْوَ الْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ
Datapuwa’t mayroon sa karamihan ng mga tao ang bumibili ng walang kabuluhang pag-uusap (alalaong baga, ang musika, pagkanta, atbp.) upang iligaw ang mga tao sa Landas ni Allah ng walang kaalaman, at nagtuturing dito (sa Landas ni Allah, sa mga Talata ng Qur’an) sa pamamaraan ng paghamak; para sa kanila ay mayroong nakahanda na kahiya-hiyang kaparusahan (sa Apoy ng Impiyerno)

Choose other languages: