Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #11 Translated in Filipino

وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكُمْ لَئِنْ شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ ۖ وَلَئِنْ كَفَرْتُمْ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٌ
At (gunitain) nang ipahayag ng inyong Panginoon sa madla: “Kung kayo ay may utang na loob ng pasasalamat (sa pamamagitan nang pagtanggap sa Pananalig at pagsamba lamang kay Allah), kayo ay higit Kong pagkakalooban (ng Aking mga Biyaya), subalit kung kayo ay walang pasasalamat (alalaong baga, walang pananampalataya), katotohanan, ang Aking parusa ay tunay na matindi.”
وَقَالَ مُوسَىٰ إِنْ تَكْفُرُوا أَنْتُمْ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا فَإِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ
At si Moises ay nagbadya: “Kung kayo ay hindi sasampalataya, kayo at ang lahat ng nasa kalupaan nang sama-sama, katotohanang si Allah ay Puspos ng Kasaganaan (hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri
أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَأُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ ۛ وَالَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۛ لَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا اللَّهُ ۚ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَرَدُّوا أَيْدِيَهُمْ فِي أَفْوَاهِهِمْ وَقَالُوا إِنَّا كَفَرْنَا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ وَإِنَّا لَفِي شَكٍّ مِمَّا تَدْعُونَنَا إِلَيْهِ مُرِيبٍ
Hindi baga ang kasaysayan ay nakarating sa inyo, ng mga tao na nauna sa inyo, ang mga Tao ni Noe, at ni A’ad, at ni Thamud? At ang mga sumunod sa kanila? walang nakakakilala sa kanila maliban kay Allah. Sa kanila ay dumatal ang kanilang mga tagapagbalita na may taglay na maliwanag na katibayan, subalit inilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang bibig (kinakagat ang mga ito dahil sa galit) at nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi naniniwala sa bagay na ipinadala sa iyo, at kami ay lubhang nag-aalinlangan sa bagay na kami ay iyong inaanyayahan (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at sa Islam)
قَالَتْ رُسُلُهُمْ أَفِي اللَّهِ شَكٌّ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يَدْعُوكُمْ لِيَغْفِرَ لَكُمْ مِنْ ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرَكُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ قَالُوا إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُنَا تُرِيدُونَ أَنْ تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا فَأْتُونَا بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ
Ang kanilang mga Tagapagbalita ay nagbadya: “Ano! Mayroon pa ba kayang pag-aalinlangan kung tungkol kay Allah, ang Manlilikha ng mga kalangitan at kalupaan? Kanyang tinatawagan kayo (sa Islam, at maging masunurin kay Allah) upang kayo ay Kanyang patawarin sa inyong mga kasalanan at bigyan kayo ng palugit sa natatakdaang araw.” Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isang tao lamang na katulad namin! Ninanais mong talikdan namin ang sinasamba noon pa ng aming mga ninuno. Kung gayon, dalhin mo sa amin ang maliwanag na kapamahalaan (alalaong baga, ang malinaw na katibayan sa iyong sinasabi).”
قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِنْ نَحْنُ إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ وَمَا كَانَ لَنَا أَنْ نَأْتِيَكُمْ بِسُلْطَانٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Ang kanilang mga Tagapagbalita ay nagsabi sa kanila: “Kami ay hindi hihigit pa sa pagiging tao na katulad ninyo, datapuwa’t si Allah ang nagkakaloob ng Kanyang pagpapala sa sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang mga alipin. wala sa amin ang kapamahalaan na dalhin sa inyo ang kapamahalaan (katibayan) maliban sa kapahintulutan ni Allah. At kay Allah (lamang), hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala

Choose other languages: