Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #49 Translated in Filipino

وَسَكَنْتُمْ فِي مَسَاكِنِ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ وَتَبَيَّنَ لَكُمْ كَيْفَ فَعَلْنَا بِهِمْ وَضَرَبْنَا لَكُمُ الْأَمْثَالَ
At nagsipanirahan kayo sa mga tirahan ng mga tao na nagpariwara sa kanilang sarili, at ito ay maliwanag sa inyo kung paano Namin pinakitunguhan (o pinagpasyahan) sila. At inihantad Namin sa inyo ang maraming paghahambing
وَقَدْ مَكَرُوا مَكْرَهُمْ وَعِنْدَ اللَّهِ مَكْرُهُمْ وَإِنْ كَانَ مَكْرُهُمْ لِتَزُولَ مِنْهُ الْجِبَالُ
Katotohanang binalak nila ang kanilang plano, at ang kanilang pagbabalak ay nababatid ni Allah, kahima’t ang kanilang pagpaplano ay (isang) matinding plano, (gayunpaman), ito ay hindi makakapagpaalis sa kabundukan (mga tunay na bundok o mga batas Islamiko) sa kanilang kinalalagyan (sapagkat ito ay walang halaga). [Sinasabi ng ibang mga tagapagpaliwanag tungkol sa talatang ito, na ang mga paganong Quraish ay nagbalak nang laban kay Propeta Muhammad na patayin siya datapuwa’t sila ay nabigo na gawin ang kanilang pakay na kanilang binalak]
فَلَا تَحْسَبَنَّ اللَّهَ مُخْلِفَ وَعْدِهِ رُسُلَهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ
Kaya’t huwag ninyong akalain na si Allah ay hindi tutupadsaKanyangPangakosaKanyangmgaTagapagbalita. Katotohanang si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Ganap na Makakagawa ng lahat ng Ganti (Kabayaran)
يَوْمَ تُبَدَّلُ الْأَرْضُ غَيْرَ الْأَرْضِ وَالسَّمَاوَاتُ ۖ وَبَرَزُوا لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ
Sa Araw na ang kalupaan ay mapapalitan ng ibang kalupaan, at gayundin ang mga kalangitan, at ang lahat (ng mga nilikha) ay tatambad sa harapan ni Allah, ang Tanging Isa, ang Hindi Mapapangibabawan
وَتَرَى الْمُجْرِمِينَ يَوْمَئِذٍ مُقَرَّنِينَ فِي الْأَصْفَادِ
At inyong mapagmamalas ang Mujrimun (mga buktot, buhong, hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.), sa Araw na yaon ay natatanikalaan (ang Muqarranun [mga makasalanan, tampalasan, atbp.], na nagagapos ng tanikala ang kanilang mga paa at kamay nang sama-sama at nakakabit sa kanilang leeg

Choose other languages: