Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #41 Translated in Filipino

رَبَّنَا إِنِّي أَسْكَنْتُ مِنْ ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيْرِ ذِي زَرْعٍ عِنْدَ بَيْتِكَ الْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا الصَّلَاةَ فَاجْعَلْ أَفْئِدَةً مِنَ النَّاسِ تَهْوِي إِلَيْهِمْ وَارْزُقْهُمْ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ
O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa iyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, o aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), kaya’t Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (o Allah) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat
رَبَّنَا إِنَّكَ تَعْلَمُ مَا نُخْفِي وَمَا نُعْلِنُ ۗ وَمَا يَخْفَىٰ عَلَى اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ
O aming Panginoon! Katotohanang batid Ninyo kung ano ang aming ikinukubli at kung ano ang aming inilalantad. walang anuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nalilingid kay Allah
الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي وَهَبَ لِي عَلَى الْكِبَرِ إِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ ۚ إِنَّ رَبِّي لَسَمِيعُ الدُّعَاءِ
Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, na nagkaloob sa akin sa panahon ng aking katandaan kay Ismail at Isaac. Katotohanan, ang aking Panginoon ang Lubos na Dumirinig ng lahat ng mga panalangin
رَبِّ اجْعَلْنِي مُقِيمَ الصَّلَاةِ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلْ دُعَاءِ
o aking Panginoon, Inyong gawin ako na maging isa sa nag-aalay ng ganap na panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at gayundin ang aking mga anak, o aking Panginoon! At Inyong tanggapin ang aking panambitan
رَبَّنَا اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِلْمُؤْمِنِينَ يَوْمَ يَقُومُ الْحِسَابُ
Aming Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang at ang lahat ng mga sumasampalataya sa Araw na ang Pagtutuos ay isasagawa.”

Choose other languages: