Surah Ibrahim Ayahs #36 Translated in Filipino
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْفُلْكَ لِتَجْرِيَ فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْأَنْهَارَ
Si Allah ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap, at dito ay nagpalabas ng mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo, at ginawa Niya ang mga barko na kapakinabangan sa inyo, upang sila ay makapaglayag sa dagat sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos, at nilikha rin Niya ang mga ilog upang makatulong sa inyo
وَسَخَّرَ لَكُمُ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ دَائِبَيْنِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ
At nilikha Niya ang araw at buwan, na kapwa patuloy na tumatahak sa kanilang landas (ng pag-inog), upang makatulong sa inyo, at ginawa Niya ang gabi at araw (maghapon), upang maging kapakinabangan sa inyo
وَآتَاكُمْ مِنْ كُلِّ مَا سَأَلْتُمُوهُ ۚ وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَتَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَظَلُومٌ كَفَّارٌ
At ibinigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong hinihingi, at kung inyong bibilangin ang mga Pagpapala ni Allah, kailanman ay hindi ninyo ito magagawang bilangin. Katotohanan! Ang tao ay walang pagsalang mapaggawa ng kamalian,- isanghindinananampalataya(walangdamdamin ng pasasalamat, nagtatatwa sa mga Pagpapala ni Allah sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga iba maliban pa kay Allah, sa pagsuway sa Kanya at sa Kanyang Propetang si Muhammad)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا الْبَلَدَ آمِنًا وَاجْنُبْنِي وَبَنِيَّ أَنْ نَعْبُدَ الْأَصْنَامَ
At alalahanin nang manikluhod si Abraham: “o aking Panginoon! Gawin Ninyo ang lungsod na ito (Makkah) na maging isang lugar ng kapayapaan at katiwasayan, at Inyong iadya ako at ang aking mga anak sa pagsamba sa mga diyus- diyosan
رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضْلَلْنَ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ ۖ فَمَنْ تَبِعَنِي فَإِنَّهُ مِنِّي ۖ وَمَنْ عَصَانِي فَإِنَّكَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan. Datapuwa’t sinumang sumunod sa akin, katotohanang siya ay aking kakampi. At sinumang sumuway sa akin, - tunay na Kayo pa rin (Allah) ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
