Quran Apps in many lanuages:

Surah Ibrahim Ayahs #33 Translated in Filipino

جَهَنَّمَ يَصْلَوْنَهَا ۖ وَبِئْسَ الْقَرَارُ
(Sa) Impiyerno, kung saan sila ay susunugin, - ang isang pagkasama-samang lugar upang panahanan
وَجَعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا لِيُضِلُّوا عَنْ سَبِيلِهِ ۗ قُلْ تَمَتَّعُوا فَإِنَّ مَصِيرَكُمْ إِلَى النَّارِ
At sila ay nagtambal ng mga karibal kay Allah, upang iligaw (ang mga tao) sa Kanyang Landas! Ipagbadya: “Magsipagsaya kayo (sa inyong maigsing buhay)! Datapuwa’t katotohanan, ang inyong hantungan ay (Apoy) ng Impiyerno!”
قُلْ لِعِبَادِيَ الَّذِينَ آمَنُوا يُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خِلَالٌ
Ipagbadya mo (o Muhammad) sa Ibadi (sa Aking mga alipin) na nagsisisampalataya, na sila ay marapat na mag- alay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat- as-Salat) at gumugol sa kawanggawa mula sa panustos na ipinagkaloob Namin sa kanila, ng lingid at lantad, bago dumating ang Araw na roon ay walang pakikipagtawaran (at bilihan), gayundin ng pakikipagkaibigan
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْفُلْكَ لِتَجْرِيَ فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ الْأَنْهَارَ
Si Allah ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap, at dito ay nagpalabas ng mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo, at ginawa Niya ang mga barko na kapakinabangan sa inyo, upang sila ay makapaglayag sa dagat sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos, at nilikha rin Niya ang mga ilog upang makatulong sa inyo
وَسَخَّرَ لَكُمُ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ دَائِبَيْنِ ۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ
At nilikha Niya ang araw at buwan, na kapwa patuloy na tumatahak sa kanilang landas (ng pag-inog), upang makatulong sa inyo, at ginawa Niya ang gabi at araw (maghapon), upang maging kapakinabangan sa inyo

Choose other languages: