Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #100 Translated in Filipino

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا وَسُلْطَانٍ مُبِينٍ
At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), at isang lantad na kapamahalaan
إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَاتَّبَعُوا أَمْرَ فِرْعَوْنَ ۖ وَمَا أَمْرُ فِرْعَوْنَ بِرَشِيدٍ
Kay Paraon at sa kanyang mga pinuno, datapuwa’t sinunod nila ang pag-uutos ni Paraon, at ang pag-uutos ni Paraon ay hindi katumpakan
يَقْدُمُ قَوْمَهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَأَوْرَدَهُمُ النَّارَ ۖ وَبِئْسَ الْوِرْدُ الْمَوْرُودُ
Siya ay mangunguna sa kanyang mga tao sa Araw ng Muling Pagkabuhay at kanyang aakayin sila sa Apoy, at katiyakang kasamaan ang lugar kung saan sila ay ihahatid
وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ بِئْسَ الرِّفْدُ الْمَرْفُودُ
Sila ay tinugis ng isang sumpa sa (mapanlinlang na buhay ng mundong ito) at gayon din (sila ay tutugisin ng isang sumpa) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At kahapis- hapis ang gantimpala na igagawad (sa kanila sa Kabilang Buhay)
ذَٰلِكَ مِنْ أَنْبَاءِ الْقُرَىٰ نَقُصُّهُ عَلَيْكَ ۖ مِنْهَا قَائِمٌ وَحَصِيدٌ
Ang mga ito ay ilan sa mga kasaysayan (balita) ng mga bayan (pamayanan) na Aming isinalaysay sa iyo (o Muhammad), ang iba sa kanila ay nakatindig pa, at ang iba ay gapas na (sa lilik ng panahon, alalaong baga, naglaho na ang kanilang guho)

Choose other languages: