Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #103 Translated in Filipino

وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ بِئْسَ الرِّفْدُ الْمَرْفُودُ
Sila ay tinugis ng isang sumpa sa (mapanlinlang na buhay ng mundong ito) at gayon din (sila ay tutugisin ng isang sumpa) sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At kahapis- hapis ang gantimpala na igagawad (sa kanila sa Kabilang Buhay)
ذَٰلِكَ مِنْ أَنْبَاءِ الْقُرَىٰ نَقُصُّهُ عَلَيْكَ ۖ مِنْهَا قَائِمٌ وَحَصِيدٌ
Ang mga ito ay ilan sa mga kasaysayan (balita) ng mga bayan (pamayanan) na Aming isinalaysay sa iyo (o Muhammad), ang iba sa kanila ay nakatindig pa, at ang iba ay gapas na (sa lilik ng panahon, alalaong baga, naglaho na ang kanilang guho)
وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِنْ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ ۖ فَمَا أَغْنَتْ عَنْهُمْ آلِهَتُهُمُ الَّتِي يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ لَمَّا جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَمَا زَادُوهُمْ غَيْرَ تَتْبِيبٍ
Hindi Namin sila ipinalungi, datapuwa’t ipinalungi nila ang kanilang sarili. Kaya’t ang kanilang mga diyos, maliban pa kay Allah, na sila nilang pinanana-langinan, ay hindi nagbigay ng kapakinabangan sa kanila nang dumatal ang Pag-uutos ng iyong Panginoon, at hindi rin ito nakapagdagdag ng anuman sa kanilang kinasadlakan maliban sa pagkapariwara
وَكَذَٰلِكَ أَخْذُ رَبِّكَ إِذَا أَخَذَ الْقُرَىٰ وَهِيَ ظَالِمَةٌ ۚ إِنَّ أَخْذَهُ أَلِيمٌ شَدِيدٌ
Ito ang Pagdaklot ng iyong Panginoon, nang Kanyang samsamin (ang pamayanan) ng mga bayan habang sila ay gumagawa ng kamalian. Katotohanan, ang Kanyang Pagdaklot ay masakit at masidhi
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِمَنْ خَافَ عَذَابَ الْآخِرَةِ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمٌ مَجْمُوعٌ لَهُ النَّاسُ وَذَٰلِكَ يَوْمٌ مَشْهُودٌ
Katotohanan, sa mga ito ay (mayroong) tiyak na aral sa mga may pagkatakot sa kaparusahan ng Kabilang Buhay. Ito ang Araw na ang sangkatauhan ay titipunin nang sama-sama, at ito ang Araw ng Pagpapatotoo (na ang lahat ng mga naninirahan sa kalangitan at kalupaan ay naroroon)

Choose other languages: