Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #12 Translated in Filipino

وَلَئِنْ أَخَّرْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِلَىٰ أُمَّةٍ مَعْدُودَةٍ لَيَقُولُنَّ مَا يَحْبِسُهُ ۗ أَلَا يَوْمَ يَأْتِيهِمْ لَيْسَ مَصْرُوفًا عَنْهُمْ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Atkung inaantala Namin para sa kanila ang kaparusahan hanggang sa natatakdaang panahon, katiyakang sila ay magsasabi, “Ano ang pumipigil dito?” Katotohanan, sa araw na ito ay sasapit sa kanila, walang anupaman ang makapagpapaalis nito sa kanila, at sila ay ganap na mapapaligiran nito, na noon ay lagi nilang tinutuya
وَلَئِنْ أَذَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً ثُمَّ نَزَعْنَاهَا مِنْهُ إِنَّهُ لَيَئُوسٌ كَفُورٌ
At kung iginawad Namin sa tao na lasapin ang Habag mula sa Amin, at matapos, ay alisin sa kanya ito, katotohanang siya ay nawawalan ng pag-asa at walang utang na loob ng pasasalamat
وَلَئِنْ أَذَقْنَاهُ نَعْمَاءَ بَعْدَ ضَرَّاءَ مَسَّتْهُ لَيَقُولَنَّ ذَهَبَ السَّيِّئَاتُ عَنِّي ۚ إِنَّهُ لَفَرِحٌ فَخُورٌ
Datapuwa’t kung Aming hayaan siya na lasapin ang magandang biyaya, pagkaraan ang kasamaan (kahirapan at kapinsalaan) ay dumapo sa kanya, walang pagsala na siya ay magsasabi: “Ang kamalasan at kasahulan ay lumisan sa akin.” Katotohanan, siya ay tandisang galak na galak at nagmamayabang (walang utang na loob ng pasasalamat kay Allah)
إِلَّا الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أُولَٰئِكَ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ
Maliban sa mga nagpapamalas ng pagtitiyaga at gumagawa ng mga kabutihan, sa kanila, ay mapapasakanila ang kapatawaran at malaking gantimpala (Paraiso)
فَلَعَلَّكَ تَارِكٌ بَعْضَ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَضَائِقٌ بِهِ صَدْرُكَ أَنْ يَقُولُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ جَاءَ مَعَهُ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَا أَنْتَ نَذِيرٌ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ
At kung sakali (o Muhammad) na iyong isuko ang bahagi ng anumang ipinahayag sa iyo, at ang iyong dibdib ay naninikip dito sapagkat sila ay nagsasabi, “Bakit kaya hindi ipinanaog sa kanya ang kayamanan, o di kaya ang anghel ay dumatal sa kanya?” Datapuwa’t ikaw ay isa lamang tagapagbabala. At si Allah ang wakil (ang Tagapamahala ng mga pangyayari, Tagapagkupkop, atbp.) sa lahat ng mga bagay

Choose other languages: