Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #84 Translated in Filipino

قَالَ لَوْ أَنَّ لِي بِكُمْ قُوَّةً أَوْ آوِي إِلَىٰ رُكْنٍ شَدِيدٍ
Siyaaynagsabi:“Sanaaymayroonakonglakas(omgatao na makakatulong) upang kayo ay aking magapi, o di kaya ay makapanangan ang aking sarili sa isang makapangyarihang tulong (upang mahadlangan kayo).”
قَالُوا يَا لُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَنْ يَصِلُوا إِلَيْكَ ۖ فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِنَ اللَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنْكُمْ أَحَدٌ إِلَّا امْرَأَتَكَ ۖ إِنَّهُ مُصِيبُهَا مَا أَصَابَهُمْ ۚ إِنَّ مَوْعِدَهُمُ الصُّبْحُ ۚ أَلَيْسَ الصُّبْحُ بِقَرِيبٍ
Sila (ang mga Tagapagbalita) ay nagwika: “O Lut! Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon! Ikaw ay hindi nila maaabutan (matutugis). Kaya’t maglakbay ka na kasama ng iyong pamilya sa ilang bahagi ng gabi, at huwag bayaan ang sinuman sa inyo na lumingon sa likuran, subalit ang iyong asawa (ay mananatili sa likuran), katotohanan, ang kaparusahan na igagawad sa kanila ay matitikman niya. Katiyakan, ang umaga ang kanilang takdang oras. Hindi baga ang umaga ay malapit na?”
فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا جَعَلْنَا عَالِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهَا حِجَارَةً مِنْ سِجِّيلٍ مَنْضُودٍ
Kaya’t nang ang Aming Pag-uutos ay sumapit, itinumba Namin (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) nang pataob, at pinaulan Namin sa kanila ang mga hinurnong putik na bato na nakakalat ng patong-patong
مُسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَ ۖ وَمَا هِيَ مِنَ الظَّالِمِينَ بِبَعِيدٍ
Na minarkahan mula sa iyong Panginoon, at sila ay hindi malayo sa Zalimun (mga buhong sa kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp)
وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ وَلَا تَنْقُصُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيزَانَ ۚ إِنِّي أَرَاكُمْ بِخَيْرٍ وَإِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُحِيطٍ
At sa pamayanan ng Madyan (Midian) ay isinugo Namin ang kanilang kapatid na si Shuaib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin si Allah, wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya, at huwag magbigay ng kapos na sukat o timbang, kayo ay aking nakikita sa pananagana; at katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng Araw na sumasakop

Choose other languages: