Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #76 Translated in Filipino

قَالَتْ يَا وَيْلَتَىٰ أَأَلِدُ وَأَنَا عَجُوزٌ وَهَٰذَا بَعْلِي شَيْخًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عَجِيبٌ
Siya (ang asawa ni Abraham) ay nagsabi (ng may pagkamangha): “Sa aba ko! Ako baga ay magdadalangtao pa gayong ako ay isa ng matandang babae, at narito ang aking asawa, isang matandang lalaki? Katotohanan! Ito ay isang kataka-takang bagay!”
قَالُوا أَتَعْجَبِينَ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۖ رَحْمَتُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الْبَيْتِ ۚ إِنَّهُ حَمِيدٌ مَجِيدٌ
Sila ay nagwika: “Ikaw baga ay namamangha sa pag-uutos ni Allah? Ang Habag ni Allah at Kanyang mga Biyaya ay sumainyo, O Pamilya (ni Abraham). Katotohanan, Siya (Allah) ay Puspos ng Karangalan, ang Tigib ng Kaluwalhatian.”
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنْ إِبْرَاهِيمَ الرَّوْعُ وَجَاءَتْهُ الْبُشْرَىٰ يُجَادِلُنَا فِي قَوْمِ لُوطٍ
At nang ang pangangamba ay mapawi (sa isipan) ni Abraham, at ang mabuting balita ay umabot sa kanya, siya ay nagsumamo sa amin (mga Tagapagbalita) para sa kapakanan ng mga tao ni Lut
إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَحَلِيمٌ أَوَّاهٌ مُنِيبٌ
Katotohanan, at walang alinlangan, si Abraham, siya ay matiisin, at laging nang tumatawag kay Allah ng may kapakumbabaan, at mapagsisi (kay Allah sa lahat ng oras, nang paulit-ulit)
يَا إِبْرَاهِيمُ أَعْرِضْ عَنْ هَٰذَا ۖ إِنَّهُ قَدْ جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَإِنَّهُمْ آتِيهِمْ عَذَابٌ غَيْرُ مَرْدُودٍ
o Abraham! Kalimutan mo ito (ang paninikluhod para sa kapakanan ng mga tao ni Lut). Katotohanan, ang pag-uutos ng iyong Panginoon ay naipalabas na. Katotohanang daratal sa kanila ang kaparusahan na hindi mapapasubalian

Choose other languages: