Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #9 Translated in Filipino

أَلَا إِنَّهُمْ يَثْنُونَ صُدُورَهُمْ لِيَسْتَخْفُوا مِنْهُ ۚ أَلَا حِينَ يَسْتَغْشُونَ ثِيَابَهُمْ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
walang alinlangan! Itiniklop nila ang kanilang dibdib upang sila ay magkubli sa Kanya. Katotohanan, kahit na damitan nila ang kanilang sarili ng kasuutan, batid Niya kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad. Katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam (ng pinakaubod na mga lihim) ng mga dibdib
وَمَا مِنْ دَابَّةٍ فِي الْأَرْضِ إِلَّا عَلَى اللَّهِ رِزْقُهَا وَيَعْلَمُ مُسْتَقَرَّهَا وَمُسْتَوْدَعَهَا ۚ كُلٌّ فِي كِتَابٍ مُبِينٍ
At walang (gumagalaw) na nilikha ang naririto sa kalupaan na ang ikinabubuhay ay hindi nanggaling kay Allah. At nababatid Niya ang kanilang pinananahanan at ang kanilang pinaglulunggaan (sa sinapupunan, sa libingan, atbp.), ang lahat ay nasa Maliwanag na Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz, ang Aklat ng mga Kautusan na [hawak] ni Allah
وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ وَكَانَ عَرْشُهُ عَلَى الْمَاءِ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا ۗ وَلَئِنْ قُلْتَ إِنَّكُمْ مَبْعُوثُونَ مِنْ بَعْدِ الْمَوْتِ لَيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ
At Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan sa anim na Araw at ang Kanyang Luklukan (noon) ay nasa ibabaw ng Tubig, upang Kanyang masubukan kayo kung sino sa inyo ang pinakamabuti sa pag-uugali. Datapuwa’t kung iyong sasabihin sa kanila: “Katotohanang kayo ay ibabangon pagkatapos ng kamatayan,” ang mga hindi sumasampalataya ay walang pagsala na magsasabi: “Ito ay walangibamalibansaisanglantadnasalamangka.”
وَلَئِنْ أَخَّرْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِلَىٰ أُمَّةٍ مَعْدُودَةٍ لَيَقُولُنَّ مَا يَحْبِسُهُ ۗ أَلَا يَوْمَ يَأْتِيهِمْ لَيْسَ مَصْرُوفًا عَنْهُمْ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Atkung inaantala Namin para sa kanila ang kaparusahan hanggang sa natatakdaang panahon, katiyakang sila ay magsasabi, “Ano ang pumipigil dito?” Katotohanan, sa araw na ito ay sasapit sa kanila, walang anupaman ang makapagpapaalis nito sa kanila, at sila ay ganap na mapapaligiran nito, na noon ay lagi nilang tinutuya
وَلَئِنْ أَذَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً ثُمَّ نَزَعْنَاهَا مِنْهُ إِنَّهُ لَيَئُوسٌ كَفُورٌ
At kung iginawad Namin sa tao na lasapin ang Habag mula sa Amin, at matapos, ay alisin sa kanya ito, katotohanang siya ay nawawalan ng pag-asa at walang utang na loob ng pasasalamat

Choose other languages: