Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #37 Translated in Filipino

قَالَ إِنَّمَا يَأْتِيكُمْ بِهِ اللَّهُ إِنْ شَاءَ وَمَا أَنْتُمْ بِمُعْجِزِينَ
Siya ay nagsabi: “Si Allah lamang ang makakapagbigay nito (ang kaparusahan) sa inyo, kung ito ay Kanyang naisin, at kayo ay hindi makakatalilis
وَلَا يَنْفَعُكُمْ نُصْحِي إِنْ أَرَدْتُ أَنْ أَنْصَحَ لَكُمْ إِنْ كَانَ اللَّهُ يُرِيدُ أَنْ يُغْوِيَكُمْ ۚ هُوَ رَبُّكُمْ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
At ang aking pagpapaala-ala ay hindi magbibigay ng kapakinabangan sa inyo kahit na aking naisin na bigyan kayo ng mabuting payo, kung ang Kalooban ni Allah ay manatili kayong naliligaw. Siya ang inyong Panginoon! At kayo sa Kanya ay magbabalik.”
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ إِنِ افْتَرَيْتُهُ فَعَلَيَّ إِجْرَامِي وَأَنَا بَرِيءٌ مِمَّا تُجْرِمُونَ
o sila kaya (na mga pagano ng Makkah) ay nagsasabi: Siya (Muhammad) ay nanghuwad (kumatha ng walang katotohanan) dito (sa Qur’an).” Ipagbadya: “Kung ako ang kumatha nito sa kabulaanan, nasa akin ang mabigat kong kasalanan, datapuwa’t ako ay walang muwang sa mga pagkakasala na inyong ginagawa.”
وَأُوحِيَ إِلَىٰ نُوحٍ أَنَّهُ لَنْ يُؤْمِنَ مِنْ قَوْمِكَ إِلَّا مَنْ قَدْ آمَنَ فَلَا تَبْتَئِسْ بِمَا كَانُوا يَفْعَلُونَ
At ang inspirasyon ay ibinigay kay Noe. “walang isa man sa iyong mga tao ang mananampalataya maliban sa mga nagsipanalig na. Kaya’t huwag kang malumbay dahilan sa kanilang mga ginagawa
وَاصْنَعِ الْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا وَلَا تُخَاطِبْنِي فِي الَّذِينَ ظَلَمُوا ۚ إِنَّهُمْ مُغْرَقُونَ
At iyong itindig ang Barko sa ilalim ng Aming Paningin at ng Aming inspirasyon, at Ako ay huwag mong pakiusapan (hinggil) sa kapakanan ng mga hindi sumasampalataya; walang pagsala na sila ay malulunod.”

Choose other languages: