Surah Hud Ayahs #122 Translated in Filipino
وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ النَّاسَ أُمَّةً وَاحِدَةً ۖ وَلَا يَزَالُونَ مُخْتَلِفِينَ
At kung ninais lamang ng iyong Panginoon, katotohanang magagawa Niyang likhain ang sangkatauhan sa iisang Ummah (mga bansa at pamayanan na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sumusunod lamang sa isang relihiyon, alalaong baga, ang Islam), datapuwa’t sila ay hindi magtitigil sa pagkakahidwa-hidwa
إِلَّا مَنْ رَحِمَ رَبُّكَ ۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمْ ۗ وَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ
Maliban sa kanya na ginawaran ng iyong Panginoon ng Kanyang Habag (ang tagasunod ng Katotohanan, ang Islam at Kaisahan ni Allah), at sa dahilang ito ay Kanyang nilikha sila. At ang Salita ng iyong Panginoon ay mangyayari: “Katotohanan, Aking pupunuin ang Impiyerno ng mga Jinn at mga tao nang sama-sama.”
وَكُلًّا نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِ فُؤَادَكَ ۚ وَجَاءَكَ فِي هَٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
At ang lahat ng mga isinalaysay Namin sa iyo (o Muhammad) na mga balita (kasaysayan) ng mga Tagapagbalita ay katumpakan upang magawa Namin na maging malakas at matatag ang iyong puso. At dito (sa kabanata ng Qur’an) ay dumatal sa iyo ang Katotohanan, gayundin ang isang Pagpapayo at Paala-ala sa mga sumasampalataya
وَقُلْ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنَّا عَامِلُونَ
At ipagbadya sa mga hindi sumasampalataya: “Magsigawa kayo ng ayon sa inyong kakayahan at paraan, Kami ay gumagawa (ng ayon sa aming paraan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
