Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #123 Translated in Filipino

وَكُلًّا نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهِ فُؤَادَكَ ۚ وَجَاءَكَ فِي هَٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
At ang lahat ng mga isinalaysay Namin sa iyo (o Muhammad) na mga balita (kasaysayan) ng mga Tagapagbalita ay katumpakan upang magawa Namin na maging malakas at matatag ang iyong puso. At dito (sa kabanata ng Qur’an) ay dumatal sa iyo ang Katotohanan, gayundin ang isang Pagpapayo at Paala-ala sa mga sumasampalataya
وَقُلْ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنَّا عَامِلُونَ
At ipagbadya sa mga hindi sumasampalataya: “Magsigawa kayo ng ayon sa inyong kakayahan at paraan, Kami ay gumagawa (ng ayon sa aming paraan)
وَانْتَظِرُوا إِنَّا مُنْتَظِرُونَ
At kayo ay maghintay! Kami (rin) ay naghihintay.”
وَلِلَّهِ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَإِلَيْهِ يُرْجَعُ الْأَمْرُ كُلُّهُ فَاعْبُدْهُ وَتَوَكَّلْ عَلَيْهِ ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
At kay Allah ang pag-aangkin ng Ghaib (nakalingid) ng mga kalangitan at kalupaan at sa Kanya ang pagbabalik ng lahat ng mga bagay (upang pagpasyahan). Kaya’t (O Muhammad), iyong sambahin Siya at ibigay mo ang iyong pagtitiwala sa Kanya. At ang iyong Panginoon ay Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa. ProPetA hoseP

Choose other languages: