Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #45 Translated in Filipino

وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ جَاءَهُمْ نَذِيرٌ لَيَكُونُنَّ أَهْدَىٰ مِنْ إِحْدَى الْأُمَمِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ نَذِيرٌ مَا زَادَهُمْ إِلَّا نُفُورًا
At sila ay nanunumpa kay Allah sa kanilang pinakamabuklodnasumpa, nakungangisangtagapagbabala ay dumatal sa kanila, sila ay higit na mapapatnubayan kaysa sa anumang bansa (pamayanan na una sa kanila), datapuwa’t nang ang isang tagapagbabala (Muhammad) ay suguin sa kanila, ito ay walang naidagdag sa kanila, maliban sa kanilang pag-ayaw (sa katotohanan)
اسْتِكْبَارًا فِي الْأَرْضِ وَمَكْرَ السَّيِّئِ ۚ وَلَا يَحِيقُ الْمَكْرُ السَّيِّئُ إِلَّا بِأَهْلِهِ ۚ فَهَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ الْأَوَّلِينَ ۚ فَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَبْدِيلًا ۖ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّتِ اللَّهِ تَحْوِيلًا
(Sila ay tumalilis dahilan sa kanilang) kapalaluan sa kalupaan at sa kanilang pagpapakana ng kasamaan. Datapuwa’t ang masamang pakana ay sumasakop lamang sa kanya na gumagawa nito. Ngayon, sila ba ay makakaasa ng anumang pakikitungo, maliban kung paano pinakitunguhan ang mga tao noong una? Datapuwa’t kayo ay hindi makakatagpo ng pagbabago sa Sunna (paraan ng pakikitungo) ni Allah. walang mababago sa paraan ng pakikitungo ni Allah
أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَكَانُوا أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعْجِزَهُ مِنْ شَيْءٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَلِيمًا قَدِيرًا
Hindi baga sila nagsipaglakbay sa kalupaan at kanilang namalas kung ano ang kinasapitan nila na mga nauna sa kanila, bagama’t sila ay higit na malakas sa kanila? At kay Allah, walang anupamang nasa kalangitan at kalupaan ang makakaalpas sa Kanya; katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Pinakamakapangyarihan
وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِمَا كَسَبُوا مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهْرِهَا مِنْ دَابَّةٍ وَلَٰكِنْ يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِ بَصِيرًا
At kung parurusahan ni Allah ang sangkatauhan ng ayon sa kanilang dapat makamtan, hindi Siya mag-iiwan sa (ibabaw) ng kalupaan ng kahit na isang nabubuhay (gumagalaw) na nilikha; datapuwa’t Kanyang binigyan sila ng palugit sa natataningang panahon; at kung ang kanilang takdang taning ay magwakas na, katotohanang si Allah ang Ganap na Nagmamasid sa lahat Niyang mga alipin. mgA titik yA At sA

Choose other languages: