Surah Fatir Ayahs #34 Translated in Filipino
لِيُوَفِّيَهُمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدَهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ غَفُورٌ شَكُورٌ
Upang mabayaran Niya nang ganap ang kanilang kinita, at magbigay sa kanila (ng higit pa) mula sa Kanyang Habag; katotohanang Siya ay Malimit na Nagpapatawad at Higit na Nagbibigay Pahalaga (sa mga mabubuting gawa at sa Kabayaran)
وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ مِنَ الْكِتَابِ هُوَ الْحَقُّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِعِبَادِهِ لَخَبِيرٌ بَصِيرٌ
At kung ano ang Aming binigyang inspirasyon sa iyo (o Muhammad) sa Aklat (ang Qur’an) ay yaong (sukdol) na Katotohanan (na ikaw, o Muhammad at ang iyong mga tagasunod ay marapat na magsagawa ayon sa mga tagubilin); na nagpapatotoo sa ipinahayag noon pang una. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam at Ganap na Nakakamasid sa lahat ng Kanyang mga alipin
ثُمَّ أَوْرَثْنَا الْكِتَابَ الَّذِينَ اصْطَفَيْنَا مِنْ عِبَادِنَا ۖ فَمِنْهُمْ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ وَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ وَمِنْهُمْ سَابِقٌ بِالْخَيْرَاتِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ
At Aming iginawad ang Aklat (Qur’an) bilang pamana sa Aming mga alipin na Aming pinili (ang mga tagasunod ni Muhammad), datapuwa’t mayroong ilan sa karamihan nila ang nagpahamak sa kanilang sarili (kaluluwa); ang iba sa kanila ay sumusunod sa gitnang daan (naniniwala sa ilan at nagtatakwil sa iba); at ang iba pa, sa kapahintulutan ni Allah ay namumukod tangi sa kanilang magandang pag- uugali. At ang (pagmamana ng Qur’an), katiyakang ito ay isang dakilang Biyaya
جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ
Sa Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso), rito sila ay magsisipasok; at sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto at perlas; at dito ang kanilang kasuutan ay sutla
وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَذْهَبَ عَنَّا الْحَزَنَ ۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٌ شَكُورٌ
At sila ay magsasabi: “Luwalhatiin at pasalamatan si Allah na Siyang nag-alis sa amin sa (lahat) ng kapighatian, katotohanan, ang aming Panginoon ay katiyakang Malimit na Nagpapatawad at Laging Handang Magpahalaga (sa mga mabubuting gawa at sa Kabayaran)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
