Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #22 Translated in Filipino

وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ وَإِنْ تَدْعُ مُثْقَلَةٌ إِلَىٰ حِمْلِهَا لَا يُحْمَلْ مِنْهُ شَيْءٌ وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۗ إِنَّمَا تُنْذِرُ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ ۚ وَمَنْ تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفْسِهِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ
At walang sinumang may sala ang maaaring magdala ng sala ng iba. At kung sinuman ang nabibigatan at tumawag siya ng iba (upang dalhin) ang kanyang pasan, kahit na ang isang maliit na bahagi nito ay hindi maaaring dalhin (ng iba), maging ito man ay malapit sa kanya (kamag- anak). Ikaw (o Muhammad) ay makakapagbigay babala lamang sa mga may pangangamba kay Allah na hindi nakikita, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal (Iqamat- us-Salah). At sinuman ang nagpapadalisay sa kanyang sarili (sa lahat ng mga kasalanan) ay gumagawa nito sa kapakanan ng kanyang kaluluwa; at ang Huling Hantungan ng lahat ay kay Allah
وَمَا يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ
Ang bulag (walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) atnakakakita(nananampalatayakayAllahatsa Islam) ay hindi magkatulad
وَلَا الظُّلُمَاتُ وَلَا النُّورُ
Gayundin (hindi magkatulad) ang kailaliman ng kadiliman (kawalang pananalig) at liwanag (pananampalataya)
وَلَا الظِّلُّ وَلَا الْحَرُورُ
Gayundin (hindi magkatulad) ang lilim at sikat ng araw
وَمَا يَسْتَوِي الْأَحْيَاءُ وَلَا الْأَمْوَاتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُسْمِعُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَمَا أَنْتَ بِمُسْمِعٍ مَنْ فِي الْقُبُورِ
Gayundin (hindi magkatulad) ang mga buhay (mga sumasampalataya) at mga patay (walang pananampalataya). Katotohanang magagawa ni Allah na makarinig ang sinuman na Kanyang maibigan; datapuwa’t hindi ninyo magagawa na makarinig ang (mga nakalibing) sa kanilang puntod

Choose other languages: