Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #25 Translated in Filipino

وَلَا الظِّلُّ وَلَا الْحَرُورُ
Gayundin (hindi magkatulad) ang lilim at sikat ng araw
وَمَا يَسْتَوِي الْأَحْيَاءُ وَلَا الْأَمْوَاتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُسْمِعُ مَنْ يَشَاءُ ۖ وَمَا أَنْتَ بِمُسْمِعٍ مَنْ فِي الْقُبُورِ
Gayundin (hindi magkatulad) ang mga buhay (mga sumasampalataya) at mga patay (walang pananampalataya). Katotohanang magagawa ni Allah na makarinig ang sinuman na Kanyang maibigan; datapuwa’t hindi ninyo magagawa na makarinig ang (mga nakalibing) sa kanilang puntod
إِنْ أَنْتَ إِلَّا نَذِيرٌ
Ikaw (o Muhammad) ay wala ng iba maliban sa isang tagapagbabala (alalaong baga, ang iyong tungkulin ay maiparating ang Mensahe ni Allah sa sangkatauhan, datapuwa’t ang Patnubay ay nasa Kamay ni Allah)
إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ بِالْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۚ وَإِنْ مِنْ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٌ
Tunay ngang ikaw (o Muhammad) ay isinugo Namin ng may Katotohanan, bilang isang tagapagdala ng magandang balita, at bilang isang tagapagbabala; at walang sinumang pamayanan ang nabuhay dito noon pa mang una ang hindi nagkaroon ng tagapagbabala sa kanilang lipon
وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ وَبِالزُّبُرِ وَبِالْكِتَابِ الْمُنِيرِ
At kung ikaw man ay itinakwil nila, gayundin ang kanilang mga ninuno noong una na nagpabulaan sa dumatal na mga Tagapagbalita sa kanila na may maliwanag na mga Tanda, mga Kasulatan, at Aklat na nagbibigay ng kaliwanagan

Choose other languages: