Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #29 Translated in Filipino

فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
Kaya’t Kami ay naningil ng ganti sa kanila, ngayon, inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa katotohanan, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ إِنَّنِي بَرَاءٌ مِمَّا تَعْبُدُونَ
Pagmasdan! Nang si Abraham ay nagsabi sa kanyang amaatsakanyangpamayanan:“Katotohanangakoaywalang kinalaman sa anumang inyong sinasamba
إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ
Maliban sa Kanya(natangikolamangsinasamba), nalumikhasaakin, at walang pagsala na ako ay Kanyang gagabayan.”
وَجَعَلَهَا كَلِمَةً بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
At iniwan niya ang Salita (La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), isang Salita na mananatili sa kanyang mga lahi na susunod sa kanya (ito ay ang pananalig sa tunay na Kaisahan ni Allah), upang sila ay magsipagbalik loob (sa pagsisisi at tumanggap ng paala-ala mula kay Allah)
بَلْ مَتَّعْتُ هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُولٌ مُبِينٌ
Hindi! Datapuwa’t Ako (Allah) ay nagbigay ng magagandang bagay sa buhay na ito sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan) at sa kanilang mga ninuno upang maging maligaya, hanggang sa dumatal sa kanila ang Katotohanan (Qur’an), at ng isang Tagapagbalita (Muhammad) upang magbigay paliwanag sa mga bagay-bagay

Choose other languages: