Surah Az-Zukhruf Ayahs #31 Translated in Filipino
إِلَّا الَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُ سَيَهْدِينِ
Maliban sa Kanya(natangikolamangsinasamba), nalumikhasaakin, at walang pagsala na ako ay Kanyang gagabayan.”
وَجَعَلَهَا كَلِمَةً بَاقِيَةً فِي عَقِبِهِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
At iniwan niya ang Salita (La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), isang Salita na mananatili sa kanyang mga lahi na susunod sa kanya (ito ay ang pananalig sa tunay na Kaisahan ni Allah), upang sila ay magsipagbalik loob (sa pagsisisi at tumanggap ng paala-ala mula kay Allah)
بَلْ مَتَّعْتُ هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُولٌ مُبِينٌ
Hindi! Datapuwa’t Ako (Allah) ay nagbigay ng magagandang bagay sa buhay na ito sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan) at sa kanilang mga ninuno upang maging maligaya, hanggang sa dumatal sa kanila ang Katotohanan (Qur’an), at ng isang Tagapagbalita (Muhammad) upang magbigay paliwanag sa mga bagay-bagay
وَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ وَإِنَّا بِهِ كَافِرُونَ
At nang ang Katotohanan (Qur’an) ay dumatal sa kanila, ang (mga hindi sumasampalataya sa Qur’an) ay nagsabi: “Ito ay isang salamangka, at kami ay hindi naniniwala rito.”
وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ هَٰذَا الْقُرْآنُ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنَ الْقَرْيَتَيْنِ عَظِيمٍ
At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang Qur’an na ito ay hindi ipinanaog sa ilang dakilang lalaki ng dalawang bayan (Makkah at Taif)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
