Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #19 Translated in Filipino

وَجَعَلُوا لَهُ مِنْ عِبَادِهِ جُزْءًا ۚ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ مُبِينٌ
Datapuwa’t sila ay nag-aakibat sa ilan sa Kanyang mga alipin ng katambal sa Kanya (sa pagsasabi na Siya ay may anak o mga supling at nagtuturing sa kanila bilang mga karibal sa pagsamba sa Kanya). Katotohanan, ang tao ay maliwanag na walang pasasalamat
أَمِ اتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنَاتٍ وَأَصْفَاكُمْ بِالْبَنِينَ
Ano! Siya ba ay kumuha ng mga anak na babae mula sa bagay na Siya sa Kanyang Sarili ang lumikha, at pumili para sa inyo ng mga anak na lalaki
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمَٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
At kung ang isa sa kanila ay makatanggap ng balita (ng pagsilang) ng isa sa kanilang inihahalintulad sa Pinakamagbigay (Allah) {tulad ng isang batang babae}, ang kanyang mukha ay nagdidilim, nalulumbay, at siya ay napupuspos ng kapighatian
أَوَمَنْ يُنَشَّأُ فِي الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِي الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ
(Inihahalintulad baga nila kay Allah) ang isang nilikha na pinalaki sa pagsusuot ng mga palamuti (alalaong baga, ang mga babae), na sa isang pagtatalo ay hindi makapagbigay nang malinaw na pagsusulit sa kanyang sarili
وَجَعَلُوا الْمَلَائِكَةَ الَّذِينَ هُمْ عِبَادُ الرَّحْمَٰنِ إِنَاثًا ۚ أَشَهِدُوا خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ
At itinuturing nila ang mga anghel, na sila sa kanilang sarili ay alipin ng Pinakamapagbigay (Allah); na mga babae. Napagmalas ba nila ang kanilang pagkalikha? Ang kanilang katibayan ay itatala, at sila ay tatanungin upang magsulit

Choose other languages: