Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #22 Translated in Filipino

أَوَمَنْ يُنَشَّأُ فِي الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِي الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِينٍ
(Inihahalintulad baga nila kay Allah) ang isang nilikha na pinalaki sa pagsusuot ng mga palamuti (alalaong baga, ang mga babae), na sa isang pagtatalo ay hindi makapagbigay nang malinaw na pagsusulit sa kanyang sarili
وَجَعَلُوا الْمَلَائِكَةَ الَّذِينَ هُمْ عِبَادُ الرَّحْمَٰنِ إِنَاثًا ۚ أَشَهِدُوا خَلْقَهُمْ ۚ سَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْأَلُونَ
At itinuturing nila ang mga anghel, na sila sa kanilang sarili ay alipin ng Pinakamapagbigay (Allah); na mga babae. Napagmalas ba nila ang kanilang pagkalikha? Ang kanilang katibayan ay itatala, at sila ay tatanungin upang magsulit
وَقَالُوا لَوْ شَاءَ الرَّحْمَٰنُ مَا عَبَدْنَاهُمْ ۗ مَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ
(Ah!) Sila ay nagsasabi: “Kung ito ang naging Kalooban ng Pinakamapagbigay (Allah), hindi sana natin sinamba (ang huwad na mga diyus-diyosan). Sa ganito, sila ay walang anumang kaalaman! wala silang ginagawa kundi ang kasinungalingan
أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا مِنْ قَبْلِهِ فَهُمْ بِهِ مُسْتَمْسِكُونَ
Ano? Sila ba ay pinagkalooban Namin ng Aklat bago pa rito (sa Qur’an), na kanilang pinanananganan
بَلْ قَالُوا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُهْتَدُونَ
Hindi! Sila ay nagsasabi: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan at paniniwala, at aming pinatnubayan ang aming sarili sa kanilang mga yapak.”

Choose other languages: