Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #25 Translated in Filipino

أَمْ آتَيْنَاهُمْ كِتَابًا مِنْ قَبْلِهِ فَهُمْ بِهِ مُسْتَمْسِكُونَ
Ano? Sila ba ay pinagkalooban Namin ng Aklat bago pa rito (sa Qur’an), na kanilang pinanananganan
بَلْ قَالُوا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُهْتَدُونَ
Hindi! Sila ay nagsasabi: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan at paniniwala, at aming pinatnubayan ang aming sarili sa kanilang mga yapak.”
وَكَذَٰلِكَ مَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُقْتَدُونَ
At gayundin naman, Kami ay hindi nagsugo ng isang Tagapagbabala bago pa sa iyo (o Muhammad) sa anumang bayan (pamayanan), na ang mga maalwan sa lipon nila ay hindi nagsabi ng ganito: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan ng pananalig, at walang pagsala na aming susundin ang kanilang mga yapak.”
قَالَ أَوَلَوْ جِئْتُكُمْ بِأَهْدَىٰ مِمَّا وَجَدْتُمْ عَلَيْهِ آبَاءَكُمْ ۖ قَالُوا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ
(Ang tagapagbabala) ay nagsabi: “Kahit na magdala ako sa inyo ng higit na mainam na patnubay kaysa sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi nananalig sa mga bagay na ipinadala sa iyo.”
فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ
Kaya’t Kami ay naningil ng ganti sa kanila, ngayon, inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa katotohanan, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)

Choose other languages: