Surah Az-Zamar Ayahs #62 Translated in Filipino
أَوْ تَقُولَ حِينَ تَرَى الْعَذَابَ لَوْ أَنَّ لِي كَرَّةً فَأَكُونَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ
o (marahil) baka siya ay magsabi, kung kanyang (lantad) na mamasdan ang Kaparusahan: “Kung mayroon lamang sana ako na isa pang pagkakataon (upang makabalik sa makamundong buhay), kung gayon, walang pagsala na ako ay mapapabilang sa Muhsinun (mga gumagawa ng katuwiran at kabutihan)!”
بَلَىٰ قَدْ جَاءَتْكَ آيَاتِي فَكَذَّبْتَ بِهَا وَاسْتَكْبَرْتَ وَكُنْتَ مِنَ الْكَافِرِينَ
(Ang kasagutan ay ito): “Tunay! Katotohanang dumatal sa inyo ang Aking Ayat (mga tanda, aral, katibayan, kapahayagan, atbp.) at inyong itinakwil ang mga ito; at kayo ay mga palalo at napabilang sa mga nagtatatwa ng pananampalataya!”
وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ تَرَى الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَى اللَّهِ وُجُوهُهُمْ مُسْوَدَّةٌ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْمُتَكَبِّرِينَ
At sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay inyong mapagmamasdan sila na nagsasabi ng kasinungalingan laban kay Allah (alalaong baga, nag-akibat sa Kanya ng mga anak, katambal, kahati, atbp.). Ang kanilang mukha ay nangingitim; wala baga sa Impiyerno ang tirahan ng mga palalo
وَيُنَجِّي اللَّهُ الَّذِينَ اتَّقَوْا بِمَفَازَتِهِمْ لَا يَمَسُّهُمُ السُّوءُ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Datapuwa’t si Allah ang magliligtas sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nagmamahal at nangangamba kay Allah) sapagkat kanilang inani ang kanilang kaligtasan. walang anumang kasamaan ang darapo sa kanila, gayundin, sila ay hindi malulumbay
اللَّهُ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ
Si Allah ang Manlilikha ng lahat ng bagay, at Siya ang Wakil (Katiwala,Tagapangalaga atTagapagpatupad) ng mga pangyayari sa lahat ng bagay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
