Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #19 Translated in Filipino

وَيُذْهِبْ غَيْظَ قُلُوبِهِمْ ۗ وَيَتُوبُ اللَّهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At upang mapawi ang pagkagalit (ng mga sumasampalataya) sa kanilang puso. Si Allah ay tumatanggap sa pagsisisi ng sinumang Kanyang naisin. Si Allah ay Puspos ng Kaalaman, ang Tigib ng Karunungan
أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تُتْرَكُوا وَلَمَّا يَعْلَمِ اللَّهُ الَّذِينَ جَاهَدُوا مِنْكُمْ وَلَمْ يَتَّخِذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَا رَسُولِهِ وَلَا الْمُؤْمِنِينَ وَلِيجَةً ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
Napag-aakala ba ninyo na kayo ay hahayaang nag-iisa, samantalang hindi pa nasusubukan ni Allah ang mga nasa liponninyo, nanagsikapnamainamatnakipaglabanathindi kumuha ng Walijah ([Batanah] – mga katulong, tagapayo at kasangguni mula sa mga hindi sumasampalataya, mga pagano, atbp.), na lantad na nagbibigay sa kanila ng kanilang lihim), maliban pa kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at ng mga sumasampalataya. SiAllah ay Ganap na Nakakatalos ng inyong ginagawa
مَا كَانَ لِلْمُشْرِكِينَ أَنْ يَعْمُرُوا مَسَاجِدَ اللَّهِ شَاهِدِينَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ بِالْكُفْرِ ۚ أُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ وَفِي النَّارِ هُمْ خَالِدُونَ
Hindi isang katampatan sa Mushrikun (mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) ang mangalaga ng mga Moske (Tahanan) ni Allah (alalaong baga, ang magdasal at sumamba kay Allah dito at mangasiwa sa kalinisan at mga gusali rito, atbp.), habang sila ay saksi sa kanilang sarili ng kanilang kawalan ng pananampalataya. Ang mga gawain nila ay walang saysay at sa Apoy sila ay mananahan
إِنَّمَا يَعْمُرُ مَسَاجِدَ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَقَامَ الصَّلَاةَ وَآتَى الزَّكَاةَ وَلَمْ يَخْشَ إِلَّا اللَّهَ ۖ فَعَسَىٰ أُولَٰئِكَ أَنْ يَكُونُوا مِنَ الْمُهْتَدِينَ
Ang mga Moske (Tahanan) ni Allah ay pangangasiwaan lamang ng mga sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw; na nagsisipag-alay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at walang pinangangambahan maliban lamang kay Allah. Sila ang mga inaasahan na nasa tunay na patnubay
أَجَعَلْتُمْ سِقَايَةَ الْحَاجِّ وَعِمَارَةَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ كَمَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَجَاهَدَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ لَا يَسْتَوُونَ عِنْدَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Napag-aakala ba ninyo na ang pagbibigay ng tubig na maiinom sa mga nagpipilgrimahe (nagpeperignasyon) at nangangasiwa sa Al-Masjid-Al- Haram (Tahanan niAllah sa Makkah), ay katumbas sa halaga ng mga sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at nagsisikap na mabuti at nakikipaglaban sa Kapakanan ni Allah? Sila ay hindi magkatulad sa Paningin ni Allah. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan, atbp)

Choose other languages: