Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Talaq Ayahs #9 Translated in Filipino

ذَٰلِكَ أَمْرُ اللَّهِ أَنْزَلَهُ إِلَيْكُمْ ۚ وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُعْظِمْ لَهُ أَجْرًا
Ito ang Pag-uutos ni Allah na Kanyang ipinanaog sa inyo, at sinuman ang may pagkatakot kay Allah (at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya) ay lulunasan Niya ang kanyang mga karamdaman at suliranin (mga kasalanan) at pag-iibayuhin Niya ang kanyang gantimpala
أَسْكِنُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ سَكَنْتُمْ مِنْ وُجْدِكُمْ وَلَا تُضَارُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُوا عَلَيْهِنَّ ۚ وَإِنْ كُنَّ أُولَاتِ حَمْلٍ فَأَنْفِقُوا عَلَيْهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ ۚ فَإِنْ أَرْضَعْنَ لَكُمْ فَآتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ ۖ وَأْتَمِرُوا بَيْنَكُمْ بِمَعْرُوفٍ ۖ وَإِنْ تَعَاسَرْتُمْ فَسَتُرْضِعُ لَهُ أُخْرَىٰ
Hayaan ang mga nadiborsyong babae ay manahan kung saan kayo tumitira, ng ayon sa inyong kakayahan, at sila ay huwag ninyong pakitunguhan sa masamang paraan, upang sila ay mapilitan na umalis. At kung sila ay may dinadalang buhay sa kanilang sinapupunan, kung gayon, kayo ay gumugol ng inyong yaman sa kanila hanggang sila ay makapagluwal ng kanilang dinadala, at kung sila ay nagpapasuso ng inyong supling ay inyong bigyan sila ng kabayaran at kayo ay magpaalalahanan (at magpayo) sa isa’t isa kung ano ang makatarungan at makatuwiran, datapuwa’t kung kayo ay malagay sa kahirapan, hayaan ang ibang babae ang magpasuso para sa kanya (sa kapakanan ng ama ng bata)
لِيُنْفِقْ ذُو سَعَةٍ مِنْ سَعَتِهِ ۖ وَمَنْ قُدِرَ عَلَيْهِ رِزْقُهُ فَلْيُنْفِقْ مِمَّا آتَاهُ اللَّهُ ۚ لَا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلَّا مَا آتَاهَا ۚ سَيَجْعَلُ اللَّهُ بَعْدَ عُسْرٍ يُسْرًا
Hayaan ang lalaki na may kakayahan ay gumugol ng ayon sa kanyang kakayahan, at ang lalaki na ang pinagkukunan (ng kabuhayan) ay sapat-sapat lamang, hayaang gumugol siya ng ayon sa anumang ipinagkaloob sa kanya ni Allah. Si Allah ay hindi magbibigay ng pasakit (o dalahin) sa isang tao ng higit sa ipinagkaloob Niya sa kanya. At pagkatapos ng kahirapan, si Allah ang magkakaloob sa kanya ng kaginhawahan
وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ عَتَتْ عَنْ أَمْرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِ فَحَاسَبْنَاهَا حِسَابًا شَدِيدًا وَعَذَّبْنَاهَا عَذَابًا نُكْرًا
At gaano karami sa sangkatauhan ang lantarang sumasalansang sa Pag-uutos ng kanyang Panginoon at ng Kanyang mga Tagapagbalita, at Aming tinawag sila sa matinding pagsusulit (alalaong baga, kaparusahan sa mundong ito). At ipapataw Namin sa kanila ang isang kalagim-lagim na kaparusahan (sa Impiyerno sa Kabilang Buhay)
فَذَاقَتْ وَبَالَ أَمْرِهَا وَكَانَ عَاقِبَةُ أَمْرِهَا خُسْرًا
At kanilang nalasap ang masamang kinasapitan ng kanilang mga gawa (kawalan ng pananalig) at ang kinahinatnan ng kanilang kawalan ng pananalig ay pagkalugi (kapinsalaan sa buhay na ito at walang hanggang kapahamakan sa Kabilang Buhay)

Choose other languages: